Visit
Kinabukasan, pagkagising ko isang friend request ang bumungad sa akin.
Liam Maxwell De Guzman sent you a friend request.
Matagal kong tinitigan ang friend request na iyon. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi. Pinatay ko nalang ang cellphone ko at dumiretso nalang sa bathroom.
After I took a shower, I am now wearing my uniform. Bumaba na agad ako para makakain ng breakfast.
"Good Morning.. Mommy, Daddy and Kuya" isa isa akong humalik sa pisngi nila.
"Good Morning" bati ni Kuya Lucas
"Good Morning Anak" bati naman nila Mommy
Nagsimula na kaming kumain lahat. Daddy breaks the silence and asked something to Kuya Lucas.
"How's school?" Daddy asked
"It's fine Dad. Nakatayo pa rin" He joked na nagpatawa sa amin ni Mommy.
"I'm serious James Lucas" Natigil ang tawa ko ng nakita ang pagkaseryoso ni Daddy
"Sorry Dad. I'm doing fine naman"
"How about you Andrea?" Binalingan ako ni Daddy
"Ayos naman po. Medyo napapagusapan na po agad ang Intrams na paparating" sagot ko naman
"Kailan ba yun?" Mommy asked
"I think 2 months from now Mommy"
"May sasalihan ka bang sports?" Mommy asked.
"Baka swimming po Mommy" I answered
"That's great" singit naman ni Daddy "Kasama ba ang department niyo Lucas?"
"I don't think so Dad. I think may sarili kaming Intrams"
"Okay"
Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Nang natapos ko na ang breakfast ko, nagpaalam na agad ako kila Mommy para umalis at pumunta na ng school.
Pagkasakay ng sasakyan, umalis na agad kami. It was traffic. I got bored so I put my earphones and listen to some music.
After many minutes, We arrived at school. Naglalakad na ako papunta ng room ng may humarang sa dinadaanan ko. I saw Liam in front of me smiling. Inalis ko ang earphones at hinarap siya.
"Excuse me. Dadaan ako" I politely said to him.
"Hi! Good Morning" He greeted me with a smile on his face.
Inirapan ko siya at sinuot nalang ulit ang earphones. Hindi pa ako nakakalayo hinawakan na niya ang kamay ko at inalis ang earphones sa tenga ko.
"Ano ba?!" Napahawak siya sa dibdib niya tila nagulat sa reaksyon ko.
"Ang suplado mo pa rin. Nag good morning ako pero hindi mo ako pinansin" He pouted at me.
"Good Morning. Okay na? Padaan na ako at baka malate ako"
"Hahatid na kita. May tatanong lang ako sa'yo" Hinawakan niya ulit ang pulsuhan ko. Tinignan ko siya ng masama agad naman niyang inalis yun.
"Ano yun?"
"Bakit hindi mo ina-accept ang friend request ko?"
"Uh" Paano ko sasabihin na hindi ko pinansin yun. Isip Andrea Isabelle! "Wala naman akong na-receive" pagsisinungaling ko sakanya.
Mukha 'di naman siyang nakumbinsi sa sinabi ko.
"Hindi nga? Try ko ulit" Nagulat ako ng maglabas siya ng cellphone "Buksan mo data mo" utos niya
YOU ARE READING
Last A Lifetime
Teen FictionAndrea Isabelle was born with a wealthy family. She is bound to marry the youngest of the De Guzman's. Will they get along? Will Andrea accept this marriage? Will they last a lifetime?