Watch it for the performance :)
Pre Pageant
Inaayusan na ako ng make-up artist na kaibigan ni Mommy. Nagpractice din ang mga kaklase ko ng cheer nila para sa akin mamaya.
"Mommy, nasaan sila Kuya at Daddy?" napansin kong wala sila Kuya kaya nagtanong ako kay Mommy.
"Bumaba sila. Tinamad dito kaya namasyal muna" tumango ako sakanya.
Inaayos ni Ate Amy ang buhok ko. Nilagyan niya ako ng hair extensions at mas kinulot ang wavy hair ko. Naka ponytail ang buhok ko at may iniwan siyang ilang pirasong buhok dahil lalagyan daw niya ito ng kulay.
"Ang ganda mo Andrea! Nakakahiya tumabi sa'yo dahil magmumukhang yaya ako!" maarte na sabi ni Sam.
"Baliw ka! Maganda ka din 'no!" sabi ko sakanya. Kinukuhaan ako ng picture ni Mommy gamit ang camera.
"Ayan! Maayos na ang buhok mo. Lagyan ko ng glitters yung buhok mo." tumango ako kay Ate Amy at may ini-spray siyang glitters sa buhok ko.
Pastel Pink ang nilagay niyang kulay sa buhok ko. Patapos na din ang make up ko. Mas kinakabahan ako dahil malapit na magsimula ang Pre Pageant!
Dumating na din sila Kuya at may dala siyang inumin. Inabot niya ito sa akin kaya uminom na ako. Naririnig ko ang bulungan ng mga kaklase ko.
"Halaaa, ang gwapo ng Kuya niya!"
"Paano ba naman ang gwapo at ganda ng magulang nila!"
"Huhu crush ko na yung Kuya niya!"
Mukhang narinig din ni Kuya kaya tumawa nalang siya at tumabi na kay Daddy. Lumapit sa akin sila Dom at Russ.
"Mainlove lalo si Russ sayo niyan!" siniko naman siya ni Russ. "Ay inlove na pala siya" patuloy parin niyang inaasar si Russ kaya tumawa nalang ako.
"Tapos na! You're so beautiful!" I smiled at Ate Amy.
Tumayo na ako at tinignan ang itsura sa salamin. They put gray contact lense on my eyes. There's also fake eyelashes! My hair is two toned color.
Hindi ko muna isinuot ang pang sayaw ko dahil rarampa muna kami bago ang talent. I wear jeans and tucked in tshirt.
"Isuot mo na yung high heels at malapit na tayong bumaba" sabi ni Mommy at sumunod ako sakanya.
"Lucas, kuhaan mo ng picture si Andrea" utos ni Daddy kaya naman kinuha ni Kuya ang camera.
Nag picture picture muna kami bago bumaba. Nagpapicture din sila Russ kaya naman natagalan kaming bumaba.
"Tara na! Magsisimula na ang Pre Pageant" bumaba na kami at nakasunod sa amin ang mga kaklase ko.
Nagtayo sila ng stage sa field dahil doon gaganapin ang Pre Pageant. May mga upuan din para sa mga manonood. May nilagay din silang makukulay na ilaw. May photographer din. May mga tao na nung dumating kami sa field.
"Darling, dalawa lang daw ang puwede mong kasama sa backstage. Si Amy nalang at ang make-up artist mo ang papasamahin ko sayo" sabi ni Mommy kaya tumango nalang ako.
Nakaupo sila sa bandang harapan kasama sila Sam. Bago ako pumunta sa backstage ay nakita kong kausap ni Daddy si Liam. Iniwas ko na ang tingin ko at pumunta na sa backstage.
Nakasunod sa akin sila Ate Amy dala ang makeup at ang susuotin ko mamaya. Naabutan ko si Katana na inaayusan habang si Kath ay nakaupo lang.
"Maupo ka muna. Iiwan kita dito kasama ang make-up artist dahil papanoorin ko ang lakad mo. Babalik din ako kapag magbibihis ka na" sabi ni Ate Amy.
YOU ARE READING
Last A Lifetime
Teen FictionAndrea Isabelle was born with a wealthy family. She is bound to marry the youngest of the De Guzman's. Will they get along? Will Andrea accept this marriage? Will they last a lifetime?