Birthday
The next days were more gloomy than usual. We just practiced for Intrams. Two weeks from now, the Intrams will be held. I always practice my dance routine.
We decided to go to Sam's house since it's friday. I texted Mommy and Daddy and they allowed me to go. Dominic and Russel will also go.
"OMG! I'm excited. You guys will meet my Mom and Dad also my brother" Sam excitedly said to us.
"I met them before" I said.
"Oh right! Ano kaya magiging reaksyon nila Mom kapag nakita nila si Dom and Russ?"
"Magugulat yung mga yun. First time mo magdala ng boys sa house niyo and first time natin magkaroon ng boys na friend" sagot ko sakanya.
"Mataray ba parents mo?" tanong ni Dom kay Sam.
"No. They're strict but they are kind naman" napatango naman si Dom sakanya.
"Magpapa-good boy yan si Dom sa parents at kuya mo" asar ni Russ kay Dom na siniko siya.
"Naku! Protective ang brother niyan!" pananakot ko kay Dom. Tumawa naman sila Russ at Sam.
"Tara na! Nandiyan na sila Manong" sumakay na kami sa sasakyan nila Sam. Nagkasya naman kaming apat sa likod.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nandito na kami sa village nila Sam. Bumaba na kami sa sasakyan at pumasok sa bahay nila Sam.
Pagkapasok mo palang sa gate nila ay makikita mo na ang isang fountain sa gitna. Sa gilid ay ang garahe at sa kabilang gilid ay isang basketball court.
"Good Afternoon po" bati namin sa Daddy ni Sam na naghihintay sa pintuan nila.
"Ang laki mo na Andrea! Ikamusta mo ako sa Daddy at Mommy mo" I nodded at him.
"Halika, sa loob na tayo magusap usap" hinila na kami ni Sam papasok sa bahay nila. Nakita ko ang paglaki ng mata nila Dom ng nakita nila ang bahay nila Sam.
"Darling, you're here! Where are your friends?" dumating ang Mommy ni Sam galing kusina.
"Mom, Dad. These are my friends. I know you already knew Andrea. This is Dominic Evan Ramos and this is Russel Jace Hidalgo" pagpapakilala niya sa amin.
"Nice to meet you all! You can call us Tita and Tito" tumango naman kami kay Tita Macy. "Diyan muna kayo sa living room at aayusin ko lang ang snacks niyo"
"Darling, iiwan ko muna kayo at may gagawin pa ako. Feel at home!" Tito Aldrich said.
Naupo muna kami sa sofa nila Sam at binuksan ni Sam ang tv nila.
"Nanahimik ka Dom?" pang aasar ni Russ sakanya.
"Humanda ka kapag pumunta tayo sa bahay nila Andrea." tinawanan namin ni Sam ang dalawing lalaki at nanood nalang.
Habang nanonood kami ay bumaba galing hagdanan ang Kuya ni Sam.
"Hi Kuya! These are my friends" pinakilala ulit kami ni Sam sa Kuya niya. Well, hindi ko masyado close ang Kuya niya.
"His name is Skye Adriel Velez. Pabayaan niyo na at laging may mens yan" sabi ni Sam na agad nilingunan ni Kuya Skye.
"Patay tayo diyan 'dre. Mukhang mahihirapan ka" sabi ni Russ kay Dom.
"Tukmol ka talaga! Kanina ka pa" pinalo ng unan ni Dom si Russ. Hinayaan nalang namin sila.
Dumating na si Tita Macy na may dalang pagkain. Nagkulitan lang kami habang kumakain hanggang sa gumagabi na.
YOU ARE READING
Last A Lifetime
Teen FictionAndrea Isabelle was born with a wealthy family. She is bound to marry the youngest of the De Guzman's. Will they get along? Will Andrea accept this marriage? Will they last a lifetime?