Practice
I woke up at exactly 7 am. I washed my face and went downstairs. I decided to eat cereals only.
"Mommy tulog pa si Kuya?" I asked Mommy.
"Yes. Ang Daddy mo ay pababa na din" she answered.
I started eating my cereal when I heard Kuya Lucas voice.
"Good Morning Everyone!" masigla niyang bati sa amin. Hinalikan naman niya si Mommy sa pisngi. Ako naman ay kinurot niya sa pisngi!
"Aray ko Kuya!" singhal ko sakanya.
Bumaba na din si Daddy at nagsimula na kaming kumain. Si Kuya ay mukhang good mood at hindi nawawala ang ngiti sa labi.
"Mukhang masaya ka ha?" sabi ko sakanya.
"Bawal ba?" pambabara niya sa akin.
"Tss panget!" asar ko sakanya.
"Andrea, dadating ang designer before lunch tapos ang magtuturo naman sa'yo ay mga after lunch" sabi ni Mommy at tinanguan ko siya.
Pagkatapos kumain ay naglaro lang kami ni Kuya ng Ps4 sa sala. Lagi akong natatalo sakanya kaya ngayon ay nagmamakaawa akong magpatalo siya.
"Kuya kasi! Napakadaya neto!" sabi ko habang pinapatay siya sa tekken.
"Wala wala. Talo ka talaga. Yes! K.O" napatayo pa siya nang nanalo siya.
"Ayoko na madaya!" sabi ko at binitawan ang controller.
"Pikon ka Andrea!" asar niya.
Pumunta muna ako sa kwarto para manood nalang ng movie. Habang naghahanap ng movie ay may nag notif sa akin.
Oliver Rem Castillo sent you a friend request
Shan Luis Prieto sent you a friend request
Matthew Navarro sent you a friend requestTatlong pangalan ang nag friend request sa akin. Isa isa ko itong tinignan at napansin kong puro shared post lang ang nasa timeline nila. Pumunta naman ako sa photos ni Oliver at nakita ang isang picture na kasama niya si Liam!
Kasama din niya yung dalawang nag friend request sa akin bukod doon, nandoon din si Kath at Stacey! Magkakasama silang anim doon at mukhang nasa isang party. Siguro magkakaibigan silang anim. Ini-accept ko naman silang tatlo at nanood na sa Netflix.
May nag notif ulit sa akin at tinignan ko galing ito kay Liam.
Liam:
Galing! Pagdating sa mga kaibigan ko accept ka agad pero sa akin.Iyan ang message niya sa akin at mayroon pang sad emoji. Paano niya nalaman na nag friend request ang mga kaibigan niya sa akin at ini-accept ko ito agad? I sent my reply to him.
Me:
Paano mo nalaman? And why do you care ba?Naghihintay ako ng reply niya pero walang dumating. After 5 minutes, wala padin! Hinayaan ko nalang ito at nanood nalang.
After I finished one movie, tsaka lang siya nagreply. Mabilisan kong kinuha ang phone ko.
Liam:
I have my own ways.Iyun lang ang reply niya. Nireplyan ko naman siya agad.
Me:
Hindi mo naman sila siguro inutusan na i-add ako?After a minute he replied.
Liam:
'Di ka sure.Narinig ko ang boses ni Kuya sa labas kaya binitawan ko na ang phone ko at binuksan ang pinto.
"Nandiyan na yung designer. Bumaba ka na daw" tumango ako sakanya. Kinuha ko ang phone ko at bumaba na.
Pagkababa ko nakita ko si Mommy kasama ang designer na naguusap. May isa din siyang kasama na mukhang assistant niya.
YOU ARE READING
Last A Lifetime
Teen FictionAndrea Isabelle was born with a wealthy family. She is bound to marry the youngest of the De Guzman's. Will they get along? Will Andrea accept this marriage? Will they last a lifetime?