CHAPTER 7

11 6 1
                                    

Shoot

It's sunday morning and I am getting ready for church. I am wearing high waisted mom jeans paired with chanel belt and a black shirt. I also wear my belt bag and Fila rubber shoes.

I went downstairs to eat my breakfast.

"Good Morning!" I greeted them all.

Nagsimula na kaming kumain and guess what, bibilhan na nila Daddy si Kuya ng bagong phone. Hindi ko alam kung paano niya napilit si Daddy na bilhan siya.

Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa sasakyan. Si Daddy ang nagdrive. Hindi naman kalayuan ang simbahan kaya nakarating kami agad.

Bago kami makaupo ay may bumati kila Mommy. It was Liam and his family.

"Hello! Nice to see you all here." Tito Peter said to us and we smiled at him.

"Dito pala kayo nagsisimba?" Daddy asked.

"Nagkataon lang na dito. Mamaya na natin ipagpatuloy ang usapan. Sumabay na kayo sa amin sa lunch" Tito Peter said. Liam's gaze shifted towards me and he smiled at me. I smiled back at him.

The mass started and we all sat down. I listened to the mass and when it's time to share peace I kissed Mommy, Daddy and Kuya. I signal peace to Liam and to his family. I saw that Kuya Nicholas whispered something to Liam.

The mass ended and we headed to mall to eat lunch. We decided to eat at buffet.

"Treat na namin. Ayos lang ba sainyo dito?" Daddy asked to them.

"Naku! Ayos na sa amin dito" Tita Chesca said. Pumasok na kami at naghanap ng upuan.

Katabi ko sa kanan si Kuya habang sa kaliwa naman ay si Mommy. Katapat ko si Liam at kanina pa nakatingin sa akin.

Tumayo na kami para kumuha ng pagkain. Dumiretso ako agad sa mga pagkain dahil kanina pa ako nagugutom. Sumunod naman sa akin si Liam.

"Bakit ka nakasunod sa akin?" tanong ko sakanya.

"Duh. Syempre kukuha din ako ng pagkain" iniwanan ko nalang siya dun at kumuha na ako ng makakain.

Nakita kong nagiisa nalang dun ang tempura. Kukunin ko na sana kaso inunahan ako ni Liam. Masama ko siyang tinignan.

"Too slow" he said while smirking at me.

"Daya! Ako unang nakakita e!" sabi ko sakanya pero hindi niya ako pinansin.

Sinapa ko ang paa niya at umalis na dun. Nakita ko ang pagtalon talon niya dahil sa sakit. Tinawanan ko lang siya at binelatan.

Naupo na ako at nagsimulang kumain. Dumating na din si Liam na nakasimangot sa akin. Nagkwentuhan naman sila Daddy tungkol sa business.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na sila Tito Peter.

"Thank you for the treat! Sa susunod kami naman" he said.

"You're Welcome!" Daddy said and they walked away. Masama parin ang tingin ni Liam sa akin bago sila makaalis.

Dumiretso na kami sa department store para bilhin ang damit na kailangan ko. Dumiretso agad ako sa mga pants at naghanap ng cargo pants. Nang may nakita ako ay naghanap ako ng size ko.

Dumiretso naman ako sa mga boots at namili na dun. Dalawa ang pinili ko, isang long boots at isang normal boots. Binayaran namin ito agad at umalis na. Pumunta naman kami sa Apple Store para sa Iphone ni Kuya.

"New Phone! New Phone!" pagkanta ni Kuya na parang isang bata. Napailing nalang sila Daddy sakanya.

Pumasok na kami sa Apple Store at dumiretso si Kuya sa mga Iphone. Nagtingin tingin naman ako ng mga Iphone Cases.

Last A LifetimeWhere stories live. Discover now