CHAPTER 4

30 8 3
                                    

Ms. Intramural

On Sunday, We went to church and have our lunch at Filipino Restaurant. Nang Monday na, dumiretso agad ako sa school dahil may assembly na magaganap.

"Mukhang half day lang tayo ngayon ha" sabi ni Sam, katabi ko.

"Bakit daw?" tanong ko.

"Kasi after ng assembly, may meeting ulit na magaganap pero by grade level nalang. Sa pangalawang assembly ata, dun na mamimili ng players" explain sa akin ni Sam.

"So bale sa unang assembly, i-iintroduce lang yung mga games at mangyayari sa Intrams?" tanong ko ulit.

"Mismo" singit ni Russel sa amin. Napatango naman ako sakanya.

"Pumila na daw tayo sa labas. Magsisimula na ata yung assembly" sabi ni Dominic sa amin at tumayo na kami.

Dumireto na kami Auditorium at naabutan ang napakaraming estudyante. Pumunta na kami sa pwesto namin. Magkakasama kaming apat at bandang nasa babang parte kami ng Auditorium.

Maya maya ay nagsimula na rin ang assembly. Ipinakilala muna nila ang Principal at ibang teachers na nandito.

"Good Morning everyone! I'm Mr. Santos, head of the MAPEH Department and I'm the one who is in-charge of the upcoming Intrams" bati ni Mr. Santos sa lahat.

"We are all aware in the upcoming Intrams and I think all of you are excited?" sumagot naman ang lahat sakanya "I will explain today what will happen in our Intrams. What games are we expecting? May mga bago tayong dinagdag na palaro."

"Pinaghiwalay natin ang Freshmen at Sophomores sa Juniors at Seniors. Para hindi lugi ang ibang grade level. We have so many games that everyone will surely enjoy. Our intrams will start on August 24 and will end on August 28, 2015. There are no classes in one week." natuwa naman ang lahat ng students sa balitang narinig kay Mr. Santos.

"Let's talk about the games. There will be Basketball, Volleyball, Swimming, Badminton and many more. Mabibigyan kayo ng papel kung saan nandun ang puwede niyong salihan na laro. There will be Filipino Games and Parlor Games. Each student should participate in our games."

"And lastly, the main event in our Intrams which is the Ms. Intramural. In this beauty pageant, makakalaban niyo ang bawat grade level. Each section should have one representative. A student with a potential. We will hold a meeting about the Ms. Intramural for further questions. For now, that's all. Goodbye and Thank you for listening!" nagpalakpakan naman ang lahat at umalis na ng Auditorium.

"Andrea! Ikaw ang sumali dun sa Ms. Intramural! Bagay ka dun!" sabi ni Sam sa akin.

"Naisip ko nga si Andrea nalang ang sumali dun. Bagay sakanya ang mga ganun." singit naman ni Russel na sinang-ayunan ni Dominic at Sam.

Umiling nalang ako at lumabas na kami para pumunta sa AVR kung nasaan ang mga Freshmen.

Madami paring students ngayon pero mas madami parin ang kanina. Umupo kami tapat sa aircon. Agad namang nagsimula ang assembly.

"Good Morning Freshmen! I'm Ms. Villanueva, one of the teachers in Grade 7. Lahat ba ng 3 sections ay nandito?" sumagot naman ang lahat. "So, let's start. Unahin natin ang magiging cheer ng buong Grade 7. Puwede kayo gumawa at ipakita nalang sa advisers niyo tsaka tayo pipili. Next, sino ang gusto niyong maging representative para sa Ms. Intramural?" nagbulungan naman ang lahat.

"Ma'am! Para po sa section ng St. John, si Andrea Isabelle Jimenez po!" nagulat ako sa sinabi ni Sam at tinuro pa ako. Nagtinginan naman ang ibang students sa akin.

"Ayos lang ba yun sa buong St. John?" tanong ni Ms. Villanueva sa section namin. Tumango naman ang classmates ko. Ngumiti pa sa akin si Russet at Dominic pati na rin ang iba kong kaklase. Si Sam naman ay nag "yes" pa.

Last A LifetimeWhere stories live. Discover now