13: Closer II
IVY POINT OF VIEW.
"ang ganda naman ng sky." turo ko sa langit habang nakahiga kaming dalawa ni kaien sa mga damo.
"kasing ganda mo." hirit ni kaien habang nakatingin sakin.
"weh?! parang ewan naman 'to!" inis na sambit ko pero patagong kinilig.
"Haha! totoo naman e." aniya. bakit ba siya ganyan magsalita? nakakapanibago...
"shh... tahimik ka na nga, ang ingay mo." pagiiba ko ng usapan nagiging awkward kasi ako kapag mga ganon ang topic namin.
tahimik lang kaming nakahiga at pinagmamasdan ang kalangitan. napakabilis pala ng panahon noh? sa isang iglap may nakikilala ka na agad na mga tao na hindi mo alam na dadating sa buhay mo ang sarap sa pakiramdam na ang babait din nila parang destined din kami magkita kita.
nakakapanibago din si kaien mas laong naging close kami dalawa. parang kilala ko na nga ang katauhan niya e.
Pero ganon parin ayaw padin niya ako palapitan kay kadriel pero hindi naman niya akong pinipilit na wag ko siyang kausapin nagtatampo lang talaga siya pag nakikita niya kaming dalawang magkasama hindi ko nga alam kung bakit bawal kaming mag usap, masama ba ang ginagawa namin? naguusap lang naman kami like normal friends do. 'di ko nga alam kung nagseselos siya samin, 'di ko alam kung bakit niy ito ginagawa.
"mukhang dumidilim na." ani ni kaien habang nakatingin padin sa kalangitan. Oo nga gagabi na hindi ko manlang na pansin ang bilis naman ng oras. Ilang sandali, hindi ko namalayan na tumayo na si kaien at ipinagpag ang sarili, nakatingin lang ako habang ginagaw niya yon. Tinulungan niya naman akong makatayo sa kinahihigaan ko at agad ko naman ipinagpag ang sarili.
Then, inayos ko ang mga gamit namin na nakakalat sa damo unfortunately kaya kami nandito kasi nadapa ako Haha! naghahabulan kasi kami at tawa ng tawang humiga sa mga damuhan na hindi naman masiyadong madumi. ang saya ng araw ko kasama siya sana magtagal pa. ang saya saya ng buhay ko ng dumating siya.
ng matapos kami maglinis ng paligid agad kami pumuntang sa kotse ni kaien na nakapark lang sa parking lot malapit lang naman yon sa inistayan naming lugar kaya hindi kami nahirapang maglakad.
BINGGGG!
naramdaman kong nag vibrate ang aking bulsa habang naglalakad padin kaming dalawa ni kaien. mukhang may nagtext sakin sino kaya? tinignan ko kung sino man ang nagtext pero si kadriel pala. tinago ko naman agad sa aking bulsa ang cell phone ko kasi magkasama pa kami ni kaien. hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag na hindi pansinin si kadriel. like ano ba kami? pero sabi daw kasi niya masama siya? hmm 'di ko alam. 'di ako naniniwala sa kaniya mukhang mabait naman kasi si kadriel e. hindi naman niya ako sinaktan.
"sino yun?" tanong niya sakin habang buhat buhat ang bag ko that he insisted to carry.
"si kiara lang." pagsisinungaling ko, baka kasi magtampo na naman siya. bigla bigla nalang kasi siya lalayo sakin at hindi ako kakausapin ng ilang araw at kakausapin ako pag okay na daw ,hindi ko talaga siya maintindihan, nakakainis minsan parang ewan.
nasa harap ko na ang kotse niya at tinulungan niya akong buksan ang pinto, pumasok na ako sa loob. pinanood ko namang siyang umikot pa sa harap para pumunta sa driver seat.
ilang sandali tinignan ko ang aking cell phone at hindi muna pinansin ang text sakin ni kadriel naglaro nalang muna ako ng mobile game habang paandar na ang kotse at tuluyan ng umalis. nasa road na kami ng mapagtanto ko na traffic pala at maraming nagbubusina na mas lalong ikinaingay ng paligid mukhang matatagalan akong makapunta sa bahay. sinabi ko nadin kay kadriel kung saan ang address ng bahay ko kasi kaibigan ko naman siya at mapagkakatiwalaan ko siya.
mabilis naman ding nagdaan ang oras at nakapunta din ako sa bahay at tinulungan parin naman ako ni kaien sa mga gamit ko.
" salamat pala sa pagsundo. gusto mo ba tuloy ka muna sa loob." pagiit ko sa kaniya. habang nakatayo sa labas ng gate namin at hini hintay kung ano ang kaniyang sasabihin.
"wag na sa susunod nalang may importante pa kasi akong gagawin sa bahay. good night sleep well magkikita pa tayo." aniya. na nakangiting sinabi ang mga salitang yon. ano kayang importanteng bagay ang sinasabi niya?
"sige magkikita pa tayo bukas ha? sunduin moko good night din." ani ko. habang tinignan siyang pumasok na sa loob ng kaniyang kotse. nag wave pa kaming dalawa bago siyang tuluyang umalis, habang ako naman ay pumasok na sa loob at naamoy ang mabangong amoy may nagluluto ba?
"i'm home!" ani ko. at inilapag ang aking bag sa malapit na upuan at inayos ang aking sarili bago kamustahin si iann.
habang nagaayos ako naalala ko ang text ni kadriel. dali dali kong kinuha ang cellphone ko at tinignan kung ano ang tinext niya sakin.
'meet me in your house at 7 pm, please magusap tayo.'
huh? ano namang paguusapan namin? tinignan ko kung anong oras na 6:54pm na pala malapit ng mag 7pm 4 minutes nalang. kaya dali dali akong nag ayos ng sarili at pumuntang kusina para tignan kung si iann ang nag luluto at tama nga nag luluto siya. aww ang galing naman ng kapatid ko nagluluto na! pumalakpak nga ako habang tinitignan siya.
"ATE! ginulat mo naman ako, tara kain na tayo i've cooked my specialty! excited na akong ipatikim sayo 'to!" aniya. kinurot ko naman agad ang kaniyang pisngi ang tataba kasi e.
" masarap ba yan?" ani ko. pero kumunot lang ang kaniyang noo sakin.
" Oo naman may niluto ba ako na hindi masarap?" aniya na hindi na nakatingin sa kaniyang niluluto. umiling naman ako at tinignan kung ano ang niluluto niya mukhang masusunog.
"yan oh"turo ko sa pan. tumingin naman agad siya at agad itong inasikaso tumawa nalang ako sa inasal niya Hahah nakakatawa!
agad naman akong lumabas dahil naalala ko ang binigay na text sakin ni kadriel. at luminga linga kung nandito na nga siya pero wala nag hintay pa ako ng ilang minuto pero wala talaga ang tagal naman? ano kayang nangyari dun? sabi niya magkikita kami baka bukas pa. papasok na sana ako pero narinig ko naman ang boses niya na parang nanghihina. tinignan ko kung saan nanggagaling yon at palapit na nga siya sakin na duguan. hala?! anong nangyari!
binuhat ko siya at agad na ipinasok sa loob ng bahay namin jusko?! ano ba kasing nangyayari bakit siya nagkaganito?! natagalan pa bago ko siya maipasok sa loob dahil nabigatan ako sakaniya ang laking tao pa kaya niya at amoy alak nag inom ba siya? pero bakit?!
"IAAN! PAABOT NAMAN NG FIRST AID KIT!" sigaw ko kay Iann na abala padin sa pagluluto sa kusina pero agad naman natauhan ng marinig ang sigaw ko. habang inihiga ko si kadriel sa sofa.
ilang sandali ibinigay sakin ni iann ang first aid kit at ginamot ko agad si kadriel. matapos ko siyang gamutin ipinagpahinga ko muna siya.
kukuha sana ako ng kumot at mga unan para mas mahimbing ang pagtulog niya pero biglang hinawakan ni kadriel ang kamay ko.
"Please Ivy wag mo akong iwan, dito ka lang sa tabi ko may sa sabihin ako... G-gusto... K-kita... matagal na so please love me back." aniya.
huh? anong sinabi niya?!
*******
Always love you, 'till the stars fall. All rights reserved 2020, Erixh_Hanna
FOR MORE IMPORTANT UPDATES PLEASE VISIT THE FOLLOWING:
Twitter: @_hanaila11_
Instagram: @erixh_hannaDON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW! 🌸🌻
YOU ARE READING
Always Love You 'Till The Stars Fall. (ON-GOING)
Teen FictionIvy Lieya suffers from over night swollen eyes, painful chest, heavy body for unknown cause. No one know why she have that condition, actually that is not hospitalized. She just does that thing and she have no clue. But every time she peeps at her w...