Chapter 15 - I'm Here

37 18 4
                                    

15: I'm Here

IVY POINT OF VIEW.

napagtanto ko na nakakapagod ang mga nangyayari at gusto ko munang mag lakad lakad para mawala o pandaliang mawala ang sakit na nararamdaman ko.

tumayo ako sa aking pagkakaupo at pumasok sa loob ng bahay. sinigurado kong walang bahid ng iyak ang aking mga mukha ayokong malaman ni Iann na umiyak ako.

"what's wrong ate? umiyak ka ba?" nakita kong nakaupo si Iann sa sofa namin at hawak-hawak ang kaniyang cell phone, mukhang walang kuwenta ang pagtago ko ng aking mga luha, kasi agad namang nalaman niya ito. hindi talaga ako magaling magtago ng sakit.

"wala, may nakasalubong lang akong old friend." pagsisinungaling ko sa kaniya. Oo old friend ko naman talaga si kadriel diba? kasi kilala niya ako. hay! ewan, hindi ko alam.

"ganon ba ate? akala ko naman inaway ka ni kuyang kadriel ba yun basta yung inalagaan mo dito. ano bang nangyari don?" narinig kong muling tanong niya. ayoko munang pag usapan ang lalaking yun. Ayoko muna.

"alis muna ako, may pupuntahan lang. pero mabilis lang naman." pag iiba ko ng usapan. gusto ko din kasing lumabas at mag lakad lakad at lumagok din ng kahit kaonting alcohol.

"bakit? kakain na tayo. may niluto akong food oh..." nawala sa isip kong may niluto nga pala siya.

"mabilis lang si ate... sorry may gagawin lang ako. i'm sure masarap ang mga niluto mo." narinig kong napa buntong hininga siya nong sinabi kong hindi ako makakakain ng specialty niya. sorry talaga Iann gusto ko munang mapagisa.

"pero ate!? delikado na kapag aalis kapa ng ganitong ka late baka mapaano ka pa e." ngumiti ako. kahit kailan hindi ako pinabayaan ni Iaan kaya ang saya ko kasi naging kapatid ko siya kahit lagi din kaming nagaaway noong mga bata pa kami pero ngayon hindi, mukhang matured na siya.

"magpapahangin lang." ngumiti ako sa kaniya at nag ayos na ako ng mga gamit upang lumabas.

nagpaalam ako kay Iann nong nasa labas na ako ng aming bahay. bago pa ako nag simulang maglakad kinuha ko ang aking phone at nagpatugtog ng music sa phone ko at isinuot ang earphone ko.

pumunta ako sa malapit na bar sa min, pagkapasok ko sa loob napaka ingay dahil sa music. agad ko namang tinangal ang earphones na suot ko at itinago ko sa aking sling bag.

naglakad lakad muna ako at tinignan ang mga paligid. kumuha ako ng drink sa naglalakarang waiter at pumunta sa malapit na upuan sa tabi ko.

ininom ko ang kinuha kong drink at halos maduwal dahil gumuhit sa lalamunan ko ang ininom kong alak at nanatili ang pait nito sa aking bibig.

hindi ako sanay sa pag iinom nito kaya sobrang pait talaga sakin nang uminom ako ng isang buong basong iyon.

"Hi, may I entertain you?" naningkit ako dahil sa isang lalaking nakatayo sa harapan ko na may hawak ng basong alak at hindi ko ito kilala. natakot ako dahil mukhang lasing na siya dahil sa namumulang mga mata ng binata.

"uh No, thank you." pag tatangi ko sa pag alok niya. baka kasi mamaya may mangyari pa samin.

"why? baby, wala ka namang kasama dito kaya samahan na kita, besides ako na ang bibili ng drinks natin." nagulat ako dahil sa pag sabi niya ng baby. nakakakilabot naman. hindi ko nalang siya pinansin dahil ayokong makipagusap sa mga hindi ko kilala.

"Hey? pansinin mo naman ako." bigla siyang umupo sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. nagulat ako at hindi ko alam kung anong gagawin. tinangal ko ang kamay niya pero hindi ko kinaya dahil hinigpitan niya ang pagkakahawak nito.

"get off me!" pagpigil ko sa kaniya. oh no! ayokong mangyari ang iniisip ko hindi pwede 'to! hindi maaari.

"shh..." inakbayan niya ako at hinawakan niya ang mukha ko, unti unting lumalapit ang mukha niya sakin habang ako ay gusto kumuwala sa mga bisig niya. napapikit ako dahil sa mga nangyayari at pilit na sinasarado ang aking labi upang wala akong maramdaman.

pero ilang segundo wala akong naramdamang kahit ano sa halip bigla kong naramdaman ang isang yakap? shock bakit may yumayakap sakin!?

"Hey... i'm here." natulala ako sa harap at hindi naka galaw. napaiyak ako sa boses niya. bakit siya nandito? wala naman akong sinabing nandito ako ah?

"B-bakit? paano ka nandito?" hindi ko alam kung anong sasabihin.

"i-uwi na kita." bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at ngumiti. tumango ako sa kaniya at tumayo bago pa ako maka alis nakita kong nakabulagta ang lalaking nagbastos sa akin. paanong nangyaring hindi ko alam na nakahiga na yung lalaki?

agad namang may nag hawak sa mga mata ko at dumeretso na kaming dalawa sa labas. nakakalito ang lahat!

"bakit ka nandito kaien?" tanong ko nang makalabas na kami ng bar.

"bakit ka nandito?" tanong din niya sa akin. at hinawakan niya ang braso ko at naglakad na kaming dalawa.

"wala." tipid na sambit ko sa kaniya at humarap sa road.

"kadriel texted me, ayoko sanang maniwala pero nung sinabi niya ang pangalan mo agad naman akong gumalaw. what happened? bakit niya nalaman kung na saan ka?" sambit niya. na ikinagulat ko.

"H-hindi ko alam." ani ko. hindi ko naman talaga alam kung paanong nalaman niya kung nasaan ako. at kung bakit sa dami dami ng tao si kaien pa talaga ang tinext niya.

hindi ko namalayan na napaiyak ako dahil na alala ko na naman ang mga nangyari. agad namang niyakap ulit ako ni kaien at huminto na kaming dalawa. humagulgul ako ng iyak sa harap ni kaien. napaka lungkot ng gabi nato para sakin. sobrang sakit sa normal na pagiyak ko gabi-gabi dati.

"W-why? what's wrong bakit ka umiiyak?" naririnig kong nagaalala siya sa akin. kaya humigpit ang pagkakayakap ko.

"W-wala..." alam kong hindi siya maniniwala sa sagot ko. hindi naman kasi kapani paniwala umiiyak ako at wala lang ang sagot. kaya inasahan ko ng sasabihin niya ang...

"I know there's something, sabihin mo na makikinig ako." narinig kong muling sambit niya sakin.

"alam ko na ang lahat... alam ko ng lahat ng mga nangayayari sa akin kaya ako nagkakaganito" ani ko. at muling hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"what do you mean?" tanong niya sakin. mukhang kinakabahan din siya dahil napansin kong bumilis ang paghinga niya.

"I had an amnesia." deretsong sagot ko sa kaniya at kinabahan ako ng hinigpitan niya ang pagkakahawak sakin. bakit? anong nangyayari?

*******

Author's Note:

sorry napatagal ang UD pero sunod sunod na ito hehe. godbless sainyo and be careful sa pandemic!

Always love you, 'till the stars fall. All rights reserved 2020, Erixh_Hanna

FOR MORE IMPORTANT UPDATES PLEASE VISIT THE FOLLOWING:

Twitter: @_hanaila11_
Instagram: @erixh_hanna

DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW! 🌸🌻









Always Love You 'Till The Stars Fall. (ON-GOING)Where stories live. Discover now