Chapter 14 - Confrontation // The Truth.

28 17 2
                                    

14: Confrontation // The Truth.

IVY POINT OF VIEW.

" please wag mo akong iwan, G-gusto... K-kita..." aniya.

Ano bang pinagsasabi niya? Hays. Broken hearted ba siya? Pero kanino? Tskk.

"Hushh... tulog ka lang... magpahinga ka muna." Pagpapatulog ko ulit kay kadriel.

Pero sa halip na pakinggan niya ako ay bumangon siya sa pagkakahiga At ngayon ay nakaupo na, ang kulit naman.

"Ano ba? Ang kulit mo naman mag pahinga ka nga muna. Mamaya na tayo mag usap kapag okay ka na." Aniko. Hindi ko na pinakingan ang mga sinasabi niya na dapat daw kaming mag usap. Ipinahiga ko lang siya sa Sofa at nilagyan ng kumot.

Ilang minuto kumuha nalang muna ako ng tubig at aspirin para mabawasan siya ng hangover. Bakit ba kasi siya nag lalasing? Buti naman at nakita ko agad siyang naglalakad kundi nakabulagta na siya kahit saan. Kawawa naman kung mangyari yon.

"Ivy mag usap tayo." Naririnig ko na naman siyang nagsalita at nakadilat na ang kaniyang mga mata niya. Pero bakit ganon? Parang ang lungkot ng mata niya? Ano ba kasing nangyayari sa kaniya!?

"Sige inumin mo muna 'to." Ibinigay ko sa kaniya ang tubig at gamot, na agad naman niyang kinuha sa mga kamay ko. Tinulungan ko pa siyang inumin ang tubig dahil nanginginig talaga siya kapag hinahawakan niya ang baso.

"Salamat." Aniya. Matapos uminom ng gamot.

"Ano bang pag uusapan natin?" Agad na sambit ko. Habang inayos ang mga pinaginuman niya.

"Pwede bang sa labas na muna tayo."sambit niya habang hinawakan ang aking kamay at napatingin sa likod ko. Agad naman akong tumingin din sa likod at nakita kong nagluluto si Iann at inaasikaso ang mga plato.

"Sige." Sagot ko nalang. Importante ba talaga ang sasabihin niya na dapat sa labas pa kami ng bahay magusap?

Tumayo siya at naglakad palabas ng pinto mukhang hilo pa siya kasi hindi siya maakalakad ng maayos, kaya tinulungan ko naman siyang maglakad hangang nasa labas na nga kami.

"Bakit?" Tipid na Tanong ko sa kaniya. Habang tinitignan lang siya sa mata at nagtatakang kung bakit naglasing at may pasa siya.

For Good Reading please listen to: BIGBANG - If You. (You Can Go In The Multi Media Box)

Huminga siya ng malalaim at nanginginig na deretsong tumingin sa akin habang nagpalunok lunok pa ang kaniyang lalamunan. Bakit parang kinakabahan ako sa mga pinapakita niya?

Ilang sandali hinawakan niya ang mukha ko at inilagay ang takas na buhok sa likod ng aking tenga.

"G-usto kita Ivy... matagal na and it's killing me not to confess my feelings towards you. Ayoko ng palagpasin ang mga araw, na ngayon... ay papalapit ka na sa kaniya." Sagot niya sakin. A-ano? Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya, Hinsi ako makapaniwala sa mga narinig ko. G-gusto niya ako? At Matagal na? A-ano? Pero anong papalapit ako sino, kanino? Ano ba! Bakit ang gulo!

"A-ahh..." sagot ko. Wala kasi akong masabi, i'm so speechless right now. bakit parang biglaan kasi? Hindi pa ako ready sa mga ganito e... and I hate my reason.

"It's okay, kahit hindi mo ibalik ang pagkakagusto ko sayo. Pero... please wag kang lumayo sakin." Nakita ko ang kaniyang mga mata na nasasaktan sa mga nangyayari ngayon. Tinangal niya na ang pagkakahawak sa pisngi ko at takot na tumingin sakin. Aishh! Bakit ganito ako? Wala akong magawa hindi man lang ako makagalaw! nakatayo lang ako dito na hindi nag fufunction ang katawan at utak. Hayys!

Always Love You 'Till The Stars Fall. (ON-GOING)Where stories live. Discover now