Chapter 20 - Beach Stay.

26 15 1
                                    

20 : Beach Stay.

IVY POINT OF VIEW.

"Guys sundan niyo lang ako." Sambit naman ni Aurora kim sa amin.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta baka maghahanap kami ng matutuluyan para mag stay doon ng ilang araw maybe a Hotel can do?

"Guys kumain na muna tayo ah bago mag swimming? Alam kong gutom na kayo at gusto niyo ng mga sea foods kaya magpapahanda na ako."ani Aurora.

"Gora lang, dapat marami ha!" Ani Aleeza habang nag cecellphone.

"Sure." Sagot naman ni Aurora at naglakad lang na naglakad.

"Speaking of food, saan naman tayo mags-stay?" Narinig kong tanong ni Caiden at nakakunot pa ang noo nito.

"Oh! I forgot to tell you syempre sa hotel ko." Nakangiting sambit ni Aurora at nakadungaw pa ito sa paligid.

"H-hotel mo?" Lumaki ang mga mata ni Caiden.

"Yup, i owe the largest and greatest Hotel here in Boracay, Astrea Hotel ang pangalan nito oh and free kayo kung anong gusto niyong gawin sa loob ng Hotel na yon." Ngiting ani naman ni Aurora sa amin.

"Nagpahanda na ako ng magpapasundo sa atin para makapunta sa Astrea Hotel mga three minutes baka nandito na yon." Muling Ani Aurora at hawak ang kaniyang cellphone na para bang may kinakausap.

"Ate," Biglang ani Iann at napanguso pa na nakatingin sa akin, hmm... bakit?

"Hmm?" Ano naman kaya yon?

"Naalala mo pa ba dati noong nandito tayo for vacation? Kasama pa natin sina mommy and daddy noon." Aniya, ang sinasabi niya ay yong two years ago din nangyari, iyon ang mga araw na Close pa kami sa isa't isa ng aming mga magulang hays... napaka saya namin noon pero isang araw nagising nalang ako na wala na akong updates sa kung ano man ang nangyayari sa amin sa relationship naming pamilya.

Nakakalungkot isipin na sa isang iglap mawawala na agad kami ng koneksyon sa aming mahal sa buhay.

Hmm... tumango nalang ako kay Iann bilang sagot, nakaka awa nga na bata pa ang kapatid ko para maranasan niya ang lahat ng ito. Ang rami talagang drama sa buhay ko, sa buhay namin. Nakakasawa din.

"Ate, we can do this kahit na maraming nangyari sa buhay natin pwede pa naman natin yun baguhin, diba?!" Makulit na ani Iann, natawa nalang ako sa kaniya.

Bakit pa ba namin iniisip ang mga ganon?! Past is past nga diba? At baka maging malungkot na naman kami dapat masaya kami dahil nandito kami sa beach at nag babakasyon, ayoko ng isipin ang mga ibang bagay na nakaka baba ng mood. Tss.

"Andito na ang van!" Narinig kong sigaw ni Auorora Nagulat ako dahil nasa harap na pala namin ang isang BMW Van, wews.

Ilang sandali may lumabas na isang lalaki na malaki ang katawan parang bodyguard siya, agad naman niyang kinuha isa isa ang mga baggage namin mga bags namin at inilagay niya sa likod ng van.

Then, binuksan din niya ang pintuan ng van at sabay sabay kaming pumasok sa loob nito.

"Punta na tayo sa Hotel!" Sambit ni Aurora sa driver namin ngayon at agad naman din umandar ito at tumakbo papunta sa Astrea Hotel daw na tinatawag nila.

Nagusap usap lang kami habang naghihintay. Mga ilang minuto din kami naghintay para makapunta sa destinasyon naming puntahan which is yong Hotel.

Nang nandito na kami sa harap ng Hotel, hindi mapagkakaila ang ganda at laki nito mas malaki pa ata ito sa Hotel namin sa U.S. agad agad naman kaming nagsilabasan sa loob ng van at kinuha nalang namin ang aming sariling gamit na nasa likod lang ng van at dire-diretsong nalang din kaming pumunta na kaagad sa loob ng Astrea Hotel.

Always Love You 'Till The Stars Fall. (ON-GOING)Where stories live. Discover now