27: Mr. and Mrs. Lieya.
IVY POINT OF VIEW.
May pasok pala ako ngayon, kaya napa aga nalang din ako sa pagkakabangon dahil nadin ata sa mga nangyari at sa kakaiyak ko kagabi.
Pumunta na muna ako sa mirror door ko dito sa aking room at tinignan ko ang aking sarili, shook! Namamaga na naman ang mga mata ko! Seriously mukha akong intsik dahil sa mga singkit na mga mata na meron ako gosh! Kailangan kong ayusin ang sarili ko specially 'yong mukha ko!
Agad akong tumakbo at muling tinignan ang sarili sa salimin pero dito naman sa loob ng aking restroom, grabi?! Paano ko naman ito matatangal!? Wait! Ikukusot ko nalang ang mata ko. Oo tama nga! Shook wala naman nangyari ikinusot kusot ko nga ito pero ganon parin, namamaga parin!
Isearch ko kaya sa Coodle? Tumakbo nalang ako papuntang bed tapos dinampot ko ang cellphone ko at nagsearch nga ang how to get rid of a swollen eyes. Nakita ko lang ay kailangan daw ng cold compress.
Hmm... 'yon lang pala e, tatawagan ko nalang si Laura yong maid namin para ibigay niya sa akin ang kailangan ko, ipinindot ko ang call red button na nakaconnect sa iba't-ibang room para malaman ng maids namin kung tinatawag man namin sila.
Nang magring ito naghintay lang ako ng mga 5 minutes at nandito na nga ang maid ko na si Laura. "Yes Ma'am---?" Pagsasalubong niya sa akin, nagulat pa siya dahil nadin ata sa mga nakita niya na meron akong namamagang mata, Ughh! How did I even get this?! Si mommy kasi e.
"Are you okay ma'am?" Muling sambit niya habang nakatingin parin sa mukha ko na parang nagaalala. "I'm fine, I just need a cold compress bag and make it a hurry I dont want to wait." Aniko sa kaniya na agad namang tumango at umalis na ng room ko.
Nagbasa-basa lang ako ng mga books na meron ako dito para nadin may maabala ako since wala naman akong ginagawa at hinihintay ko nga lang si Laura na bumalik muli.
"Eto napo ma'am..." ani Laura noong nakarating na siya sa kuwarto ko at dala dala na nga niya ang cold compress bag at ngayon ay iniabot niya sa akin. "Thanks." Pagpapasalamat ko sa kaniya at inilagay yong bag sa mukha ko.
"May ipag-uutos papo ba kayo ma'am?" Muli namang sambit niya, hmm... wala naman ata pero wait... "wala na pero bakit mo sinabi kay mom na nagout of town ako? Sabi ko naman sayo diba dati pa, dont you ever tell mom the things that is happening to me? Alam mo naman na walang pakielam yon e." Aniko kay Laura na mukhang nagulat pa.
"Ma'am I know I dont have the right to tell ma'am Ialene that, pero kailangan niya po 'yon malaman dahil nagaalala din po siya sa kalagayan niyo." Whatt?! Sinasabi ba talaga niya yan? Waoh saan naman niya nalaman ang chikang yan? Tsk, all of my life laging nilalayo ni mommy ang mga kaligayahan ko, katulad nalang yong kay Aurora kim and Kiara doon sa nakasulat sa diary she wanted us to break apart. I dont know why she's doing that!? Nakakainis!
"Yeah, yeah, who cares?! Sige na matulog ka na ulit." Sabi ko nalang kay Laura, ayoko nadin pagusapan ang mga ganon nakaka stress, mas magandang matulog nalang siya at makalimutan na ang mga sinabi ko dahil ala-singko palang ng umaga at siguradong inaantok pa siya.
Isinara ko nalang ang pinto ng makalabas na si Laura, at ang ginawa ko naman ngayon ay inilalagay ko ang cold compress bag sa mukha ko para mabawasan ang pagmamaga nito.
Lumipas ang isang oras at halos bumalik na nga sa normal ang mga mata ko hindi na nga halatang umiyak or namaga ito e.
Nang matapos ako ay agad nadin akong bumaba para mag handa ngayong pasukan.
"Good morning ate! Let's eat?" Narinig kong bati sa akin ni Iann habang pababa pa ako sa stairs, nakaupo na ngayon siya sa mahabang table namin dito sa kitchen at marami na ngang nakahanda dito.
YOU ARE READING
Always Love You 'Till The Stars Fall. (ON-GOING)
Teen FictionIvy Lieya suffers from over night swollen eyes, painful chest, heavy body for unknown cause. No one know why she have that condition, actually that is not hospitalized. She just does that thing and she have no clue. But every time she peeps at her w...