Chapter 25 - Under The Sea.

25 11 4
                                    

25: Under The Sea.

IVY POINT OF VIEW.

"Ivy, gising na umaga na." Narinig kong pagiistorbo sa akin ng kung sino man at itinatapik tapik pa niya ako gamit ang kaniyang kamay.

Lintek, natutulog pa ang tao e, lagi nalang bang may mangugulo sa akin kapag matutulog ako? Aish...

"Gising na..." muling pagtapik niya sa balikat ko, "Ano ba 'yon?!" Inis na sigaw ko sa kung sino mang nangiistorbo sa akin.

"Sa kama ka nalang ulit matulog, umaga na kasi e at liligpitin na daw natin ang tents na nandito." Muling Aniya, agad naman akong napaupo sa pagkakahiga ng mapagtanto ko na nagcamping nga pala kami kagabi at nakatulog nadin ako kinabukasan.

"Anong oras naba?" Tanong ko sa kaniya habang kinukusot ang aking mata dahil medyo malabo ito, agad naman niyang tinignan ang kaniyang relos at sinabi ang Oras.

"8:00 am na." Aniya habang nakatingin sa akin, nang umayos na ang paningin ko nakita ko si Kadriel na nasa harapan ko lang at tumitingin lang sa akin.

"Sige sige magliligpit na ako." Paglayo ko sa kaniya dahil mukhang masyado kaming close, agad naman siyang umalis ng tent at ako naman ay nagligpit na ng mga gamit hangang sa inilagay na namin lahat ng ito sa loob ng Hotel.

Naalala ko kagabi, 'yong paghalik ni Kaien kay Kadriel. Haha! Natuwa talaga ako dahil magkaaway kasi sila e, tapos ngayon maghahalikan naman sila at sa harap pa talaga naming lahat. Haha!

"Ivy, aalis daw ulit tayo. Kaya magsuot ka na ngayon ng swimsuit mo." Ani Kiara nang makarating na kami sa aming Room.

"Saan?" Tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo.

"Mags-snorkeling tayo mamaya pero sabi daw kakain muna." Sagot niya, hmm... nakakamiss din magsnorkeling kaya nakakaexcite! pero maliligo na muna ako.

Inayos ko na muna ang mga gamit ko galing doon sa tent kanina at nagayos nadin ng sarili para daw sa snorkeling mamaya.

Nagsuot ako nong swimsuit na hindi ko naisuot noong isang araw ito 'yong black and pink one piece swimsuit na dinala ko para sa beach pero dahil nga napilitan akong isuot ang two piece bikini na ibinigay ni Kiara hindi ko na iyon naisuot pa, pero ngayon hinding hindi na ako magsusuot ng mga bagay na ibinibigay ni Kiara! Halos magkaproblema na nga ako dahil doon sa isinuot kong bikini. Aishh! Never in my life, i will gonna wear that again!

Nang matapos na akong maligo at mag ayos ng sarili nakita kong nakaupo si Kiara sa kaniyang kama habang nag babasa ng librong dinala niya ata.

"Ano naman ang binabasa mo?" Tanong ko sa kaniya at mukhang nagulat pa siya na nakaalis na akong C.R.

"Nandiyan ka na pala, hehe hindi ko napansin." Aniya at ngumiti saakin, hmm? Ano naman kaya ang ginagawa niya at hindi pa niya naramdaman na nandito na ako? "Uhm... eto? Wala lang 'to wala din kasi akong magawa e." Pagdutong niya sa kaniyang sinabi habang ipinakita pa niya sa akin ang hawak niyang libro.

Ngumiti nalang ako sa kaniya at hindi na pinansin ang kaniyang ginagawa. "So... tara na" aniko habang tinitignan ang sarili sa isang malaking salamin sa room nato.

"Tara." Aniya at dumeretso na sa labas, grabi naman iniwan pako. Agad naman akong nagmadali at lumabas na din.

Nakita ko naman siyang naghihintay sa labas, at agad ko namang ipinulupot ang aking braso sa kaniya at ngumiti...

"Lets go!" Masayang sambit ko na ikinangiti niya at sabay na kaming pumunta na sa tagpuan namin which is just in the exit of the Hotel.

Noong nakita na namin sila na nandoon malapit sa exit at kumaway kaway pa sa aming dalawa ngumiti nalang ako at kumaway din.

Always Love You 'Till The Stars Fall. (ON-GOING)Where stories live. Discover now