Chapter 21 - Fun Day.

21 14 0
                                    

21: Fun Day.

IVY POINT OF VIEW.

K-kadriel? Bakit ka umiiyak?

"Ivy... i'm sorry for lying to you please pansinin mo na ako." Aniya at hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.

Hindi na ako makahinga sa mga yakap niya at masyadong intense ang mga nangyayari ngayon.

"Ivy, i'm so sorry!" Muling sambit niya.

"K-kadriel, hindi na ako makahinga." Ipit na boses na sambit ko sa kaniya.

Agad naman niyang iniluwag ang pagkakayakap niya sa akin at ipinatong nalang niya ang ulo niya sa balikat ko habang naka yakap parin sa akin.

"K-kadriel mamaya na tayong mag usap." Sabi ko nalang sa kaniya.

"Ivy pinapatawad mo na ba ako? Hindi ko naman kasi sinasadya ang mga nangyari hindi ko alam na hindi mo pa pala alam. I'm so sorry for keeping that to you." Napaiyak nalang ako actually hindi din naman kasi niya kasalanan na itago na may amnesia ako ang ipinagtataka ko lang bakit sa kaniya ko pa narinig ang mga 'to kahit kailan hindi ko man lang narinig sa magulang ko kung nagka amnesia ba talaga ako o hindi sila kasi dapat ang unang makakalam dahil sila ang mga magulang ko!

Or kung may mga parents ba talaga ako? Nakakainis na hindi ko naramdamang nasa tabi ko sila. they are my parents but they did'nt act like one all this time sila lang ang may gawa kung bakit ako nagkakaganito dapat nasa tabi ko sila dapat inaalagaan nila ako pero hindi, ano ba ang magagawa ko? Their buisness is more important than me, than us with Iann I hate them!

"K-kadriel it's fine." Aniko nalang ayoko na munang umiyak kaya patatawarin na kita sa ngayon Kadriel.

Mukhang nagulat si Kadriel sa mga sinabi ko kasi humarap siya sa akin at malaki ang mga mata niya kahit galing sa iyak.

"T-talaga?!" Sigaw niya sa akin, nabingi pa ako kaya hindi ako nakasagot ka agad pero tumango naman ako.

"Kakausapin mo na ako?!" Bakit ba big deal na big deal na dapat kausapin ko siya? Napangiti tuloy ako.

"Oo nga, bati na tayo." Ngiting sambit ko sa kaniya at nagulat ako dahil muli niya akong niyakap ng mahigpit at binuhat-buhat luh?! Anyare? Nanalo sa lotto?

"YES!" Muling sigaw niya grabi naman sumigaw pa!

Nakita ko namang nagsipasukan na ang mga kaibigan ko sa loob ng mall at parang gulat na gulat sila dahil nakikita nila akong buhat buhat ni Kadriel at tuwang tuwa na sinasabi ang salitang "yes." Napatingin naman ako kay Kaien kasi agad naman siyang lumapit sa amin.

"What's happening bakit nandito siya?" Aniya sa akin sabay turo kay Kadriel, napatigil naman agad si Kadriel at humarap siya kay Kaien.

"Bakit? Anong problema mo kung nandito ako?" Ani Kadriel at mukhang seryoso, shit! Baka mag aaway pa sila!

"Hindi kita kausap." Ani Kaien kay Kadriel, grabi naman hindi ba nila nakikita na nandito ako? Duh?! Pumagitna na ako sa kanila since mukhang magkakaroon na ng world war three.

"Sinagot mo na ba siya Ivy?" Biglang tanong ni Kaien sa akin at mukhang malungkot pa, napakunot nalang ang noo ko sa sinabi niya, sinagot? Anong sinagot?

"Huli na ba talaga ako?" Pagpapatuloy ni Kaien, ang Drama naman niya ano bang sinagot?

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kaniya, pero agad naman siyang nabuhayan dahil sa sinabi ko, anyare?

"So hindi pa? May Chance pa ako?" Muling sambit niya, ano ba yon? Nakakainis Ha!

"Anong Chance anong Sagot? Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko kay Kaien pero napangiti lang siya dahil sa itsura ko ngayon. Huh?

Always Love You 'Till The Stars Fall. (ON-GOING)Where stories live. Discover now