Chapter 10 - Jealous

33 21 2
                                    

10: Jealous

IVY POINT OF VIEW.

Nandito ako ngayon sa bahay ko kasama ko si Iann ang baby bro ko.

"Ate! Alis na ako ah!" Ani niya. Na nasa pinto at paalis na.

"Sige ingat ka, For your first day!"

Actually Nakaenroll na si Iann sa school din namin dati pa daw nakakaexcite nga eh! Makikita at mababantayan ko siya.

kaso nasa ibang building ito, Nasa highschool palang siya pero senior high school na ako, kaya iba ang building niya samin pero madali lang
Naman kaming magkita.

Kaya lang maghahabol pa siya ng ibang requirements kasi late yung pag pasok niya.

Habang ako nagpapalate parin at umiinom pa ng lemon tea, seryoso nakakatamad talagang pumasok pero kailangan din eh kundi bagsak kami.

Matapos kong uminom hinugasan ko na ang baso at kinuha ang tea bag na nasa loob ng baso ko, nilagay ko ito sa isang lalagyan na tumatama sa araw para matuyo, kumuha naman ako ng ibang tea bags na natuyo na mula sa lalagyan na iyon at binuksan ang bag tapos nilagay sa plants na nasa garden fertilizer daw kasi yung laman ng tea bag naiyon plus nakaka bilis tumubo ang mga pananim ko.

Naghugas ako ng kamay at nag ayos nalang ng gamit matapos ko ginawa ang trabaho ko ganito ang ginagawa ko every day nasanay na din ako kaya hindi ako nahihirapan.

Pagkatapos non pumunta na ako sa school at nong nasa gate na ako hindi ko nakita ang mga kaibigan ko baka late nako hehe pero wala din si kaien ay... akala ko naman susundin niya ko heh.

"Ivy! Nandito ka na pala! Tara samahan na kita papuntang room niyo." nakita ko naman si kadriel na papalapit sakin at mukhang nagbabasketball siya? Naka jersey kasi siya eh at naglalaro naman ang ibang team mates niya sa court namin.

"Huh? Hindi na kaya ko naman at parang may ginagawa pa kayo eh ."

"Wala yon practice lang naman ang ginagawa namin naghahanda lang kami sa tournament pero matagal pa naman, kaya samahan na kita."

"Sige pero magpaalam ka na muna sa kanila." Turo ko sa mga team mates niya.

"Huh? Haha sige sige wait ka lang." Natutuwang sabi niya at pumunta na siya sa team mates niya at nagpapaalam, habang ako ay nakatayo lang.

Anong nakakatawa? Sheesh...

Lumapit na siya sakin at hinawakan ang braso ko at sabay na kaming umalis.

"Nagpaalam na ako Haha nakakatuwa ka talaga."

"Bakit?"

"Wala! Ang ganda mo kasi."

"Huh?" Takang tanong ko.

"H-huh ah w-wala..."

"Tss. Narinig ko kaya yon! yiee maganda daw ako!"

"Haha Oo sige na nga maganda ka na."

"Tss. Parang napipilitan?"

"Hindi maganda ka nga." Seryosong sambit niya habang palihim na tumingin sakin.

"Ahh..." nahiya na ako akala ko nag j-joke lang kami. Ang awkward tuloy.

"Sige na babye! See you again." Sabi niya habang kumindat pa. Nandito na pala ako sa room 'di ko napansin.

Pumasok na ako at walang teacher nice, Haha! tumingin naman ako sa upuan ko at nakita ko si kaien na ang sama ng tingin, sakin? Hala anong ginawa ko?!

Pumunta naman ako sa upuan ko at umupo na.

Always Love You 'Till The Stars Fall. (ON-GOING)Where stories live. Discover now