17: Confession
ALEEZA POINT OF VIEW.
"Hoy! Panget." Narinig ko na naman ang boses ni bakulaw na may dalang basong tubig sa kaniyang kamay at papalapit sakin.
"Tumahimik ka nga! Kung hindi mababatukan talaga kita." Pananakot ko sa kaniya. Minsan naiinis na talaga ako sa kaniya... ay hindi pala minsan, lagi!
"Nakakailang batok ka na sakin ahh namamaga na ang ulo ko." Malambing na sambit niya sakin. Pinagsasabi ba niya? Namamaga? Ang tigas kaya ng ulo niya katulad ng pagkatao niya and besides mahina lang din naman pag binabatukan ko siya eh... Oo mahina! or... is it just me?
"Ang kulit mo kasi e at Hoy! Hindi ako mapangit." Pagiiba ko ng sinabi niya sa akin. Napangiti siya dahil sa sinabi ko, nakakainis na lagi siyang ngumingiti sa akin these past few days like anong meron? may dumi ba sa mukha ko?
"Ang cute mo talaga!" Aniya, sabay pisil sa aking pisngi. A-aray! Ang sakit naman akala naman nito hindi ako nasasaktan.
"Ano ba ang sakit!" Sambit ko at inialis ang kaniyang kamay na nasa pisngi ko, Ang bigat bigat pa ng kamay niya kaya nahirapan pa akong tangalin ito.
"Haha, laro na nga lang tayo." Aniya, at hinila ako papunta sa arcade. Nandito kami ngayon sa bleu mall and today we're hanging out because he invited me earlier to go out.
Hindi ko nga alam kung bakit niya ako pinapunta dito e, pero ang alam ko lang is may sasabihin daw siyang importante, ano kaya yung importanteng sasabihin niya? Please naman wag na yung namatay si barney ang korny kasi e, mabuti din na pumunta pa talaga ako dito sa mall para lang sa kaniya lalo na't mukhang dumidilim nadin ang langit.
Nang makapasok kami doon sa mga arcades or yung fan land na tinatawag nila sa lugar na ito. bumili nalang muna si caiden ng mga tokens para makapaglaro kami ng games.
"Saan mo gusto?" Tanong niya sakin habang papalapit sa akin at may dala dala pang isang bag nung tokens, bakit naman parang ang rami?
tumingin nalang muna ako sa mga paligid at tinignan ang mga arcade na nasa loob, pero Ang rami kasi e hindi ako makapili, napa hawak pa ako sa aking baba at nagisip ano kaya ang trip ko ngayon? hmm...
Doon kaya kami sa racing cars? Mukha kasing magandang umupo at i-control ang manibela e.
"Doon sa mga kotse." Sagot ko sa kaniya. Kinuha ko nalang ang kaniyang kamay at hinila papalapit doon sa cars.
Umupo na agad ako at sumandal sa sandalan ng upuan, kumuha nalang ako ng 2 tokens para ilagay dun sa machine. Inistart ko nalang din ang game at nagsimula ng magdrive.
"WOOHHH!" Masayang sigaw ko habang iniikot ang manibela, Haha! marami akong natatamaang kotse sa paligid pero bakit naman hindi kami na aaksidente Haha! parang ewan.
Tumingin ako sa aking gilid kasi parang may tumitingin sa akin e. Nakita kong nakatingin lang si caiden sa akin, hmm? Bakit hindi siya nag lalaro? Ayaw niya ba yung racing cars?
Agad akong humarap sa nilalaro ko at nagsalita. "Hoy! Nakakatunaw naman ang mga titig mo, maglaro ka nga." Ani ko sa kaniya, bakit parang naging statue siya at tumitingin tingin pa sa akin nakakailang psh.
Nang marinig niya ang sinabi ko agad naman siyang natauhan at napa blink pa siya ng ilang beses Haha! Parang ewan naman. Ilang sandali ay Gumalaw at inilagay nadin niya ang tokens sa machine at nagdrive nadin.
"WOOOHHHH!" Narinig kong masayang sigaw niya, napangiti tuloy ako Cute pala siya kapag masaya bakit ngayon ko lang nalaman.
"Hoy maglaro ka nga diyan, nakakatunaw e." Narinig kong sambit niya sa akin, hoy line ko yun ah? Bakit niya inulit psh.
YOU ARE READING
Always Love You 'Till The Stars Fall. (ON-GOING)
Teen FictionIvy Lieya suffers from over night swollen eyes, painful chest, heavy body for unknown cause. No one know why she have that condition, actually that is not hospitalized. She just does that thing and she have no clue. But every time she peeps at her w...