19 : Her Friend.
IVY POINT OF VIEW.
"Hindi naman." Sambit ko sa kaniya, ayaw ko naman talaga siyang umalis, hindi pa kasi talaga ako nakakamove-on sa mga nangyari noon even if sobrang tagal na non.
"Okay, kung ganon naman pala? tara pumasok na tayo!" Masayang sambit niya sa amin, Sabay hila sa aking kamay at tumalikod na papunta sa hall way.
Bigla naman nag ingayan ang paligid dahil kay kim, mukhang marami na agad siyang fan boys ah?
Namalayan kong maraming pumuntang mga body guard sa paligid namin at mukhang ipinapalayo nila ang mga lalaking nasa paligid din namin.
"Wait! Papicture lang!" Narinig kong sigaw nong lalaki sa amin pero pinigilan agad nito ng mga body
guards ni kim."Witweew sexy!" Sipol naman ng mukhang lower year pa lang na studyante kay kim.
"Pupuntahan kita mamaya!" Muling sigaw ng mga lalaki na mukhang kaklase ko lang.
Grabi naman iba na ang aura niya ngayon kesa dati, ang tagal naming hindi nagkita at nakakapanibago na talaga siya, Kalog padin siya hangang ngayon at masiyahin.
Pero paano siya nakapasok dito? Nagregister na din ba siya? Pero matagal nadin nagsimula ang school year at hindi ko alam kung pwede pa bang humabol.
"Kim? Ano naman ang gagawin mo dito?" Tanong ko sa kaniya, kasi kung papasok man siya mag hahabol siya ng mga maraming activities and assignments.
"Oh! I forgot magpapaalam lang naman kayo sa teachers or sa principal niyo and lahat tayo aalis papuntang beach!" Aniya, nagulat ako sa biglaang sambit niya. Pupunta? Sa beach!? At bakit hindi pa naman summer ahh! At hindi ko or namin alam kung papayag man ang teacher namin.
Narinig kong nag sigawan naman ang mga katabi ko. Tss bakit naman kasi sila nag sisigawan masaya na sila ganon?
"Yun oh!" Tuwang Sambit ni Caiden, mukhang ang saya saya na agad niya ah? Kanina lang kasi hindi e.
"Mag bibili na ako ng bagong swimsuit." Sambit naman ni Aleeza habang tumatalon talon pa, parang ewan naman parang batang tuwang tuwa. Tss...
"Really? Excited na ako!" Ani naman ni Kiara, mukhang excited nga sila pero hindi kasi ako e, ano yun? Mag cucutting class kaming lahat na mag kakatropa? Tsh.
"Beach?! Bakit parang biglaan naman ayoko, ayoko." Pagtatanggi ko sa pag alok kaniya, tumigil naman kaming lahat at tumingin sila sa akin, mukhang nadismaya sila dahil sa mga sinabi ko.
"What do you mean?" Gulat na sabi ni Kim sa akin, e sa ayoko e!
"Ang kj mo naman." Sambit naman ni Caiden at tumingin pa lupa parang timang naman.
"Bakit naman Ivy?" Tanong ni Aleeza, habang naka kunot ang noo nito.
"Hmm, why?" Tanong ni kiara sa akin , ayoko naman kasing mag cutting e or what i mean ayokong maghabol ng assignments kasi mawawala kami at mag b-beach lang, and that's enough reason para hindi ako sumama i guess?
"Kung gusto niyo kayo nalang ang sumama at hindi ako, okay lang naman sa akin kapag hindi ako makakasama e." Sambit ko sa kanila, na mukhang ikinainisan talaga nila, please wag na kayong mag tanong! Ayoko ng magsagot e!
"Is this about what happened two years ago?" Diretsong tanong niya, natahimik naman ako alam kong sasabihin niya talaga yon.
"Two years ago? Ang tagal na nun ah?" Muling reklamo ni Caiden, bakit parang nangingielam na yata siya sa buhay namin? Aish nakakainis talaga!
YOU ARE READING
Always Love You 'Till The Stars Fall. (ON-GOING)
Genç KurguIvy Lieya suffers from over night swollen eyes, painful chest, heavy body for unknown cause. No one know why she have that condition, actually that is not hospitalized. She just does that thing and she have no clue. But every time she peeps at her w...