31: Departed.
IVY POINT OF VIEW.
"Hi, I would like an espresso." Sambit ko sa isang Cashier dito sa Moon&stars Cafè.
"Is that all ma'am?" Ani ng cashier dito sa counter ng cafè.
"Yes." Tangong sambit ko sa kaniya.
"Okay, one espresso coming right up, what's your name nalang po?" Muling tanong niya sa akin.
"Ivy." Tipid na sagot.
"Okay ma'am Ivy, just wait for about five minutes, just take your seat nalang po then I'll call your name." Aniya, habang itinuro pa niya ang mga tables na nasa harapan lang.
"Okay." Ngiting sagot ko sa cashier at agad na humanap ng upuan.
Napabuntong hininga nalang ako ng makaupo na ako sa isang tagong lugar ng cafe, well hindi naman sa tagong-tago lugar, feeling ko lang na tago siya dahil ako lang ang nagiisa doon.
"Ginusto mo yan ah? Panindigan mo." Sambit ko sa aking sarili habang humalukipkip pa, naalala ko kasi ang pinagusapan namin ni Kaien sa VIU school, lalayuan na daw niya ako. Hays, bahala na lang siya diyan marami naman akong kaibigan at hindi lang siya! So bakit ako nalulungkot? Ughh!
Sana mamaya hindi ko ulit maalala ang pinagusapan namin dahil paniguradong tutulo na naman ang mga luha ko! Kung sakaling mangyari man yon sana hindi sobra ang pagiyak ko! Dahil baka mamaga na naman ito at magiging intsik nanaman ako hays! Whatever!
Nag muni muni lang ako sa disenyo ng cafè na 'to ang ganda kasi eh, kaya noong bata pa lamang ako gustong gusto ko laging pumupunta dito kasama sina Kiara. Hays, pero ngayon hindi na kami sabay sabay busy nadin kasi kami sa sari-sarili naming buhay kaya wala na din kaming time para magkita kita. Bahala na, ganon naman talaga ang buhay eh.
"Ma'am Ivy!" May narinig akong tumawag ng pangalan ko at nakita ko ngang nakatingin sa akin yung cashier na nakausap ko kanina.
Kinuha ko nalang ang inorder ko na espresso at nagpasalamat nadin sa kaniya.
Agad naman akong tumikim nung espressong inorder ko at nalasahan ko agad ang creamy slightly bitter taste of the coffee.
"Ang init." Napakagat ako ng labi ng mapaso ang dila ko, hindi ko pa pala 'to naihipan. Oh well, mamaya ko muna 'to inumin pag medyo lumamig na.
Kinuha ko nalang ang cellphone na dala dala ko lagi at ginamit ito para meron akong mabalingan ng atensyon.
"Hmm? Ano kayang gagawin ko?" Sambit ko sa akin sarili habang nakatitig sa aking cellphone.
Ilang sandali habang nakatitig parin ako sa screen ng cellphone ko nakita ko ang silhoutte ng aking mukha, ang ganda ko! Magpicture kaya ako? Since wala nadin naman akong magawa at hindi ko alam kung ano ang gagawin, magseselfie nalang ako para masaya!
Pinindot ko ang camera app at agad naman itong nagbukas, ang ganda ko talaga! Haha!
"Saang angle kaya ang maganda?" Tanong ko sa aking sarili habang iginagalaw ang camera.
Nang makuntento na ako sa gusto kong angle nagselfie nalang ako at pinicturan ko nadin ang espressong nasa table ko lang, para pang memories nadin wala akong magawa eh!
Habang nagpipicture ako na parang tanga narinig ko na merong nakabling ng atensyon ko sa exit ng Cafè dahil may sumigaw.
"Gag* hindi ko gusto ang kulay pink!" Sigaw ng isang lalaki, marami sila at puro sila tawanan, ang masama dito ay napaka lakas ng mga sigawan nila abot na hangang sa kabilang street! Ugh!
YOU ARE READING
Always Love You 'Till The Stars Fall. (ON-GOING)
Teen FictionIvy Lieya suffers from over night swollen eyes, painful chest, heavy body for unknown cause. No one know why she have that condition, actually that is not hospitalized. She just does that thing and she have no clue. But every time she peeps at her w...