Sky
"The search for Cleo is on" yun agad ang bumungad sa akin pagvisit ko ng group ng school. Iba talaga ang charisma ng lalaking iyon. Buti na lamang at walang nakakaalam na ako ang Cleo na tinutukoy niya. But, some of the comments are tagging me.
"Cleo is Millie, nakita ko silang magkausap sa caf kanina"
"They followed each other on Instagram. Is it really Millie?"
"Cleo is from Gas Strand. Stop dragging Millie's name"
"Millie is not available"
Marami pang comment doon pero hindi ko na binasa pa. Wala rin naman akong balak umamin na ako ang Cleo na iyon. I'm tired of getting attention from other students. From what I read, Maddox is part of the basketball team. Kaya lalong naging matunog ang pangalan niya.
Matapos magpahinga at magdinner ay nagskin care agad ako. Nag video call din sila Max sa akin. Nagkunwari pa akong nagtatampo sa kanila matapos akong iwan kasama si Maddox.
"Sorry na Cleo. We just want you to know each other. " nagpapacute pa itong si Lou.
"We know that you're Cleo. But promise we will keep it a secret," kinikilig pang sabi ni Charl.
"Stop calling me Cleo. Ilang araw kayong mawawala?" I try to changed the topic para hindi na pag-usapan pa iyon.
"5 days. I try to talk to Mr. Eric to changed the representative of your strand Millie. Pero sabi nya na marami ka nang nagawa sa school kaya sa iba naman. " hindi maitago ang lungkot sa boses ni Max.
Mawawala sila ng limang araw para sa leadership seminar or training kasama ang ibang school. Simula bukas ay mag-isa ako. Hindi nakakatuwa iyon.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sinadya ko iyon para walang masyadong estudyante ang makakita sa akin. Dumiretso agad ako ng library at nagbasa ng libro. Nagstory rin ako at tinag ang tatlo. "I'll miss you girls. Take care and enjoy"
Habang tumatagal ay dumarami rin ang mga estudyante. Some will laid their eyes on me. Pero pag naabutan ko ay agad nag iiwas ng tingin. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng biglang may umupo sa harap ko.
"Morning," Maddox greeted me. Basa ang buhok nito at halatang kagagaling lamang sa practice. Naka hoody lamang ito na may tatak na St. Paul at simpleng short at slippers. May kung anong kinukuha sa kanyang bag.
I heard some whisper near the table. Paniguradong kami ang pinag-uusapan. I ignored them and continue to read the book.
Naamoy ko ang pamilyar na amoy ng paborito kong cookie. Pag angat ko ng tingin ay hawak nito ang paper bag at ang isang cookie ay nasa bibig na nito.
"Bawal kumain dito," I whispered to him. So he is serious to our deal. Tinanggap ko ito at nilagay sa bag. Mamaya ko na lang kakainin, hindi pa naman ako nagugutom.
YOU ARE READING
The Heartbeat of Sky
RomanceMilana Clementine Andrada is epitome of beauty and brain. She has it all, from having the perfect family, and influencial people around her, everyone envy her. Ngunit para sa kanya, hindi ito basehan para ituring siyang iba. That's why she work real...