Past
Ang mahinang tapik sa aking braso ang nagpagising sa akin. When I opened my eyes, Maddox's face is looking at me.
"Hey. Sorry to wake you up but you're phone keep ringing. Must be work.."
Tumango ako at umahon sa aking kama. Dumiretso ako ng banyo at inayos ang mukha ko at sarili. Umagang umaga at nakikita niya ang mukha kong wasted pa mula kagabi. Tiningnan ko agad ang wall clock sa kwarto. It's already 1 pm. Masyadong naging masarap ang tulog ko. I don't remember what time I slept last night. Basta ang alam ko ay bandang 3 am na kami nakarating sa condo ko.
Inabot ko ang cellphone ko para mabasa ang mga mensahe doon. They are about work. Naapprove pa ang 3 days kong leave sa trabaho. Laking tuwa ko doon. At least I can rest more. But I need to send some emails and papers. Idadaan ko na lang iyon mamaya.
"Kanina ka pa bang gising?" I said in a hoarse voice. Namamaos ako dahil sa pag-iyak at pagsigaw kagabi. Ang aking ulo ay masakit din. I don't know if it's because of the alcohol last night or not.
Sinapo ko ang aking ulo nang maalala iyon. I didn't tell the girls that I'm leaving baka nag-alala ng husto ang mga iyon. I also told my Dad that I will talk to him. Pati ang aking kapatid ay nanghihingi rin ng update sa nangyari. Lastly, what if somebody heard our argument last night. Dapat ay nag-usap kami sa pribadong lugar. Kahit kailan talaga ay mahina akong magkontrol ng emosyon. Mas lalong sumakit ang aking ulo sa mga iyon.
"Yes. Pinagluto kita ng sinigang. Nandun na rin ang gamot mo para sa sakit ng ulo. Nagprepare din ako ng cold compress..." hinawakan na nito ang kamay ko at dahan dahang hinila iyon. Nagpaubaya naman ako. He walked me to the dining table. Pinaupo niya ako roon habang ito ay naghahanda ng mga plato.
"Ikaw? Hindi ba masakit ang ulo mo? You were drunk last night. Halos iluwa mo ang intestines mo sa banyo.." I laughed when I remembered his face.
"Nope. Anong tingin mo sa akin, mahina? I'm already sober when I see you.." hindi nito itinuloy ang sasabihin. Naninimbang ang mata nitong tumingin sa akin.
"Talking to my Dad?.." ako na ang tumapos ng sasabihin nito. Tumango ito at pinagpatuloy ang paglalagay ng pagkain sa lamesa.
"What happened to the party? May balita ka ba sa mga girls?"
"They know what happened. When I saw you talking to your Dad. I immediately looked at them. Tinulungan nila akong magbantay ng gate. Para mabigyan kayo ng privacy. Sakin ka din nila pinagkatiwala.."
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. I'm so lucky to have them in my life. Nakangiti ako habang nilalagyan siya ng kanin sa kanyang plato. I stood up and get a pitcher of water for the both of us. Kumuha rin ako sa fridge noong hindi ko pa nagagalaw na apple pie. Buti at may ice cream din ako dito. This will be perfect for our dessert.
Nakangiti itong sinusundan ang bawat galaw ko. Then I realized this is my first time to serve him. Laging ito ang nagluluto at naghahanda ng pagkain sa akin. Pagkaupo ko ay pinangunahan nito ang pagdadasal. We ate after that. Sa unang higop ng lutong sinigang nito ay napangiwi ako doon. It's so sour but taste good. Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito sa akin. When he take a sip nagpigil pa ng kanyang reaksyon pero sa huli ay ngumiwi din dahil sa asim. Hindi ko mapigilan ang tawa ko roon.
YOU ARE READING
The Heartbeat of Sky
RomanceMilana Clementine Andrada is epitome of beauty and brain. She has it all, from having the perfect family, and influencial people around her, everyone envy her. Ngunit para sa kanya, hindi ito basehan para ituring siyang iba. That's why she work real...