Kabanata 23

480 28 7
                                    

Protect


Mabigat ang loob kong nagtungo sa opisina. I can't believe I hurt the one person who's important in my life. Wala na ata akong gagawin kundi saktan ang mga taong malalapit sa akin.


Bumuntong hininga ako at kinalma na ang sarili. Pagkatapos ng kaunting retouch ay nagpapasok na rin agad ng mga pasyente.


A family come inside. May kasamang bibong batang lalaki. Naalala ko bigla ang batang nagtantrums sa eroplano. Kamusta na kaya ito?


"Hello little boy..." bati ko


Tumawa lamang ang bata sa akin. Ang kanyang mga magulang ay nagtataka ring lumingon sa akin.


He is laughing non-stop. Kahit sa simpleng bagay ay tumatawa ito. His parents think it was not a big deal. Normal na masayahin lamang ang kanilang anak. Until it becomes frequent and they can stop him.


"I'll schedule him for MRI. Lalabas din ang result mamaya. I suggest he needs to stay here po." magalang kong sabi sa magulang. Delikado kung magkakaroon ito ng attack sa bahay.


"Mahal mo pa ang magagastos Doktora? Mga ano po kayang estimate cost?" nahihiyang tanong sa akin ng nanay ng bata.


"I can't give you the estimated costs po until the MRI result is done. Let just pray po na maganda ang result noon."


Agad kong tinawag si Nurse Mae para gawin na agad ang MRI sa bata.


"Tell the staff it's under Doc Beltran and Doc Andrada."


Ayokong gamitin ang duo namin. Pero kailangan iyon sa ganitong pagkakataon.


Umalis na ang mga ito para isagawa na ang test. I called Seth on his phone.


"I need your help, Doc Beltran.. I have this patient.." agad kong ibigay rito ang detalye ng pasyente. I'm sure he will be curious and help me on this one.


"Okay Doc Andrada. Pupuntahan kita pag nakuha ko na ang result.."


"Thank you.."


Bumukas muli ang pinto at iniluwa noon si Mayor Franco. Nabigla ako at nakitang nandun nga siya sa listahan ng mga magpapacheck-up today.


"Mayor. Kakacheck-up ko lang po sayo kahapon ah.."


"I know. Pero sumakit ang ulo ko dahil sa stress sa opisina. Nagpunta akong clinic pero wala ka raw doon."


Ibinaba nito ang dalang bulaklak ang chocolate.


"Nag-abala ka pa po Mayor.."


"Hindi ka naman abala.."


I cleared my throat and remained serious.

The Heartbeat of SkyWhere stories live. Discover now