Kabanata 32

526 24 6
                                    

Warning.

Engaged


"Nurse Mae. Mawawala siguro ako ng mga 2 hours. Just call me if something happened. Tapos ko na naman ang mga check-up. I'm done with my rounds too." sabi ko.


"Noted Doc."


Umalis na ako ng hospital para mapuntahan na si Daddy sa hotel nito. After we talked earlier we agree on our schedule. Habang ako ay dumadalo pa sa mga pasyente ko, ito naman ay umuwi sa hotel niya. He needs to prepare his things pati ang pagsasaayos ng bills niya.


Kanina ay hinayaan lamang namin ang sarili na umiyak. Nagpasalamat din ito ng sobra sobra sa muli kong pagtanggap sa kanya. He promised to be better. Nangako rin ito na babawi sa aming magkapatid. We also talked to my ate. Pero hinayaan ko silang dalawang mag-usap. Naikwento ko na rin naman kay Ate ang mga plano ko.


The call ended up well. My heart is full of happiness when I heard they will come home. Para daw makasama ni Daddy ang mga apo nito. Binilin din ni Ate si Daddy sa akin.


Pagdating ko sa hotel ay nakaabang na agad ito roon.


"Dad.." salubong ko dito. The valet help him with his baggages. Nilagay agad ng mga ito iyon sa aking sasakyan.


He immediately went inside my car when everything is ready. Nangangatal pa itong nilagay ang kanyang seatbelt.


"You okay Dad?" tanong ko dito.


"Yes. Kinakabahan lang.."


I started driving to a familiar way. Hindi ko alam kung kailan ang huli kong bisita rito. I forgot to visit the house since I came back. Sa dami ng mga nangyayari sa akin ay hindi ko na naalala iyon.


"Can we stop Millie kung okay lang.. Sa lugar kung.." basag ni Daddy sa katahimikan naming dalawa.


"Okay po.." sagot ko dito.


I don't know what is the purpose of it. Pero pinagbigyan ko na lamang. I stopped when we reached the destination.


Pinikit ko ang mata ko at muling tinitigan iyon. This is the place where everything happened.


Bumaba ito at naglakad lakad doon. I let him and watched him. Tahimik nitong pinagmasdan ang daan na iyon. Then I saw him kneel on the ground. Ang dalawang kamay ay nasa mukha. Alam kong umiiyak ito at nasasaktan pa rin sa mga nangyari. I leave him alone and waited until he is okay. Inilagay ko na lamang ang aking mukha sa manibela. Sana ay matapos na lahat ng ito. I can't wait for us to be completely happy.


Narinig ko ang pagbukas ng sasakyan. Inangat ko ang tingin at nakaupo na si Daddy. He didn't say anything. Wala rin akong sinabi. I start the car and drive again. Maya maya pa ay natanaw ko na ang pamilya na gate namin. Bumusina agad ako para malaman na papasok ako.


Kuya Roy is still there. Nabigla na nandito ako. Agad ngumiti ito sa akin at pabirong nagbigay pugay. Napatigil at nagseryoso ito ng makita kung sino ang kasama ko.

The Heartbeat of SkyWhere stories live. Discover now