Co-Pilot
Pagdating na pagdating ko sa bahay ay naligo agad ako. Nakailang bahing na rin ang nagawa ko. This is not good, ayoko sa lahat ng ambon. Madali akong nakakakuha ng sipon mula rito. Kung bakit ba naman hindi ko pa pinapasok sa gate ang sasakyan ni Maddox at nagpumilit pang takbuhin na lamang ang papasok sa bahay. Nag-utos na lamang ako kay Manang na magdala ng lemon juice sa kwarto.
Pagkahiga ko ay naramdaman ko agad ang sakit sa aking ulo. I sneezed once more. I should take a medicine right now if I want to go to school tomorrow. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Namungay ang aking mata at naramdaman ang bigat sa talukap nito.
When I opened my eyes, it's already morning. Nasa tabi ko na si Manang, may dalang malamig na tubig at patuloy sa pagpupunas sa aking katawan. Hindi agad ako nakabangon dahil sa sakit ng katawan at ulo.
"Pinatawag na namin si Doc Fuentes. Paparating na iyon maya maya. May gusto ka bang kainin?" mahinahanong sabi ni Manang.
"Anong oras na po? May klase ako Manang," mahina kong sabi. I can't skip classes this week. Malapit ng magfinals at crucial na ang mga panahong ito. I can't let this fever ruin my academic standings.
"Tumawag na ang Mommy mo sa school. Pinagpaalam ka na nila. Wag ka ng mag-alala. Magpahinga ka na para makapasok ka agad bukas. Dadalhan ka namin ng pagkain dito"
Hindi na ako nakipagtalo pa. May punto naman sila roon. I sleep and rest for the whole day. Doctor Fuentes confirmed that it's just a mild fever. She also scolded me for not taking my vitamins. Kaya raw nanghihina ang immune system ko. Pagdating ng hapon ay magaan na ang pakiramdaman ko. I talked to my friends and told them that I'm okay, they don't need to worry and just focused on their training. When I checked my inbox, it's full of messages from my classmates. Karamihan ay nagtataka at kung bakit hindi ako nakapasok ngayon. Dahil sa dami noon ay di ko na alam kung sino ang rereplyan ko. Nagpop-up agad ang isa pang mensahe.
@maddox
are you okay? Drink a lot of water. It helps. Tigas kasi ng ulo mo e. Buti nga sayo!
Tumaas ang kilay ko sa nabasa. He never changed. Ba't ba nagdm pa 'to? Pinasasakit lamang ang ulo ko. Agad akong nagtipa ng reply.
@millie
did you change your username? Wow. Thank you ha. But yeah, I'm okay now. How did you know?
@maddox
I changed it, it's obvious. But don't be full of yourself, pinalitan ko dahil maraming nagfofollow na stalker sa akin. This name is now safe and not familiar. Btw, I drop to your house earlier this morning, bought your cookies. Iniwan ko kay Manang.
@millie
So you're the guy who's scared of people. HAHAHAH Sabi ni Manang ay pinapapasok ka raw kanina pero di ka man lang pumasok. Nagtatakbo ka raw agad sa sasakyan mo.
@maddox
Scared af. Ano namang gagawin ko dyan sa bahay nyo? You're sick, so you need to rest. Dapat ay hindi ka tumatanggap ng bisita. It's common sense and a way of respect to you.
@millie
Fine doctor! Sungit mo!
@maddox
But now that you're okay, can I come over? Kailangan ko ulit ng tulong sa isang subject.
YOU ARE READING
The Heartbeat of Sky
RomanceMilana Clementine Andrada is epitome of beauty and brain. She has it all, from having the perfect family, and influencial people around her, everyone envy her. Ngunit para sa kanya, hindi ito basehan para ituring siyang iba. That's why she work real...