Kabanata 22

477 30 7
                                    

Happiness


Agad kong iniwas ang mukha at titig ko dito. Nabigla ako sa sinabi nito. God knows how I missed him too. We've been together for 6 years at ang magising ng isang araw na wala na ito sa routine mo ay mahirap na bagay. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko naisip ang buhay na kasama siya. A lot of what if's was on my mind for the last years.


What if we still together? What if I forgave him and gave him a chance? What if I was wrong about him the whole time? What if he did not fall in love with another girl? What if he's on my side when my Mom and I met that accident?


Those that if's remained unanswered. Lahat iyon ay itinago ko sa aking sarili. Tinanggap ko na agad na hindi ko na maibabalik pa ang mga bagay na lumipas na. I accepted those things and moved on for my future life. Natagalan man iyon, ang importable ay bumangon ako at nagpatuloy.


"Sorry about earlier.. dun sa opisina mo.. hindi ko napigilan ang emosyon ko.." he said.


"Don't do that again. Know your limits. Lalo pa at magkakapamilya ka na." I said.


Agad akong tumikhim dahil nagmukha akong bitter sa sinabi ko. I smiled a little to cover the bitterness of it, pero alam kong peke ang ngiting iyon.


Nakita ko ang pagkunot ng noo nito. He touched his chin like he was thinking of a bigger problem. Pagkatapos ay ngumisi.


"You mean Janine? Yes.. my family will take care of her. Importante siya kay Mama. Parang anak na rin. Her boyfriend leaves her the moment she said she felt pregnant. Hindi pa nga nagpopositive ay iniwan na ng walang kwentang lalaking iyon!" halata ang galit sa boses nito.


Nabigla ako sa sinabi niya. So he's not the father of Janine's child. All this time ay mali na naman ako roon! I understand that she is part of his family now. Magbestfriend ang mommy nito at mommy ni Janine. Naalala ko ang iniluha ko sa opisina kanina. Lahat ng luha ko ay nasayang lamang sa wala. Hindi ko alam pero gumaan ng kaunti ang aking pakiramdam sa nalaman.


"I'm sorry. it's not my story to tell. Kaya hindi ko agad nasabi sayo kanina. And I got distracted by your passion. Bagay na bagay ka sa opisina mo. That office was made for you like your MD in your name. Perfect for each other.."


Bahagya akong namula sa papuri nito. Damn it, Millie! Get yourself together, hindi ito ang unang beses na may nagsabi niyon sa iyo. Patuloy kong bulong sa aking sarili.


I heard that compliment many times before pero ito ang unang beses na hindi ako naging komportable. I feel some butterflies are flying in my stomach. Nagwawala ang mga ito.


"Thank you. how are you?" humigop ako ng tsaa para hindi makita ang pagkanginig ng labi ko sa tanong kong iyon. Iniwas ko na rin ang topic tungkol kay Janine. I don't want to be nosy. As he said, it's not his story to tell.


"Right now... I'm good. I feel alive.. mahirap bang maging doctor?" he still smiling. Hindi mawala ang lapad na ngiti nito. Nakakatawa ba ang tanong ko?


I'm glad we're not talking about our past. Hindi ko kayang pag-usapan pa iyon sa ngayon. Para lamang kaming magkaibigan na nagkakamustahan. The mood is light kaya hindi mahirap na mag-usap kami.

The Heartbeat of SkyWhere stories live. Discover now