LIFE IN MANILA #2

819 38 6
                                    

Dessa

Isang buwan na, ng magtapos na kami ni Kylie ng highschool at ito narin ang araw na kailangan ko nang iwan ang mga taong mahal ko, dahil ngayong araw na ako pupunta ng Maynila. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ko doon, pero kung ano mang pagsubok na haharapin ko, ay kailangan kong malampasan lahat ng iyon para sa pamilya ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto namin ng kapatid ko, nag-aayoa na ako ng sarili dahil maya-maya lang ay aalis na ako.

"Anak, hindi ka pa tapos dyan? Nasa labas na si Kylie at Mike," sabi ni mama na sumilip sa kurtina ng kwarto namin.

Sina Kylie at Mike ang maghahatid sa akin sa pier kasama si papa, maiiwan naman si mama dahil walang kasama ang mga kapatid ko.

"Sige ma, tapos na rin ako," sabi ko at kinuha ko na ang maliit ko na back pack. Hindi naman kasi karamin ang mga damit ko.

Paglabas ko ay naghihintay na sila sa akin, parang maluluha na naman ako dahil maiiwan ko na ang mga kapatid ko.

"Tara na anak, baka maiwan ka ng barko," sabi ni papa.

Tiningnan ko naman si mama ay niyakap.

"Ma, mag-iingat kayo dito ha, tatawag po ako palagi," sabi ko nanunubig ang mata.

"A-anak mag-iingat ka doon ha, wag mong pababayaan ang sarili mo," sabi ni mama na umiiyak.

"Oo ma, wag kang mag-alala, magiging ok din ako doon," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

Hinarap ko naman ang apat kong kapatid na sina Denmar, Diego, Dave at Dino. Tama kayo ako lang ang nag-iisang babae sa amin at ako pa ang panganay.

Niyakap ko sila isa-isa at hinalikan sa pisngi.

"Wag niyong bibigyan ng sakit ng ulo si mama, naintindihan niyo ba?"

"Opo ate," sabay nilang sagot.

"Ma, alis na po kami," paalam ko ulit at niyakap ko ulit si mama.

Tumango lang si mama dahil iyak lang ito ng iyak. Kinuha naman ni Mike ang bag ko at lumabas na. Kumapit si Kylie sa braso ko at sumisinghot.

"Best, ano ka ba, pupunta lang ako ng Maynila, hindi pa ako mamatay," biro ko sa kanya.

"Eh kasi best, mamimiss kita eh," sabi niya na naluluha parin.

"Wag kana magdrama dyan best, mhuhuli na ako sa byahe," sabi ko sa kanya at sumakay na kami sa jeep ni papa.

Habang nagbabyahe kami papunta sa pier ay medyo kinakabahan ako. Dahil unang beses ko pa lang tumapak sa Maynila at hindi ko pa alam ang ugali ng mga tao doon. Pero bahala na kakayanin ko.

Pagbaba namin ng jeep ay nandito na ang barko na sasakyan ko at umaakyat na ang mga pasahero. Nilingon ko naman sina papa, mike at Kylie.

Naluluha ko na niyakan si papa.

"Anak mag-iingat ka ha, tinawagan ko na ang tito mo na doon kana muna sa kanila, susunduin ka din nila sa pier," sabi ni papa na nakayakap sa akin.

"Mag-iingat ako pa, wag kayong mag-alala."

Niyakap ko din si Mike na naluluha din pero hindi pinapakita sa akin.

"Des,tawagan mo ako palagi ha," sabi niya na nagpupunas ng luha.

"Oo na tatawagan kita."

"Besty, ako naman," sabi ni Kylie na hinila ako at niyakap.

"Ikaw talagang babae ka,hindi makapaghintay," natatawa kong sabi sa kanya.

"Eh,mamimiss kita best eh, nasasaktan ako, nadudurog ang puso ko," pag dadrama niya kaya natawa na lang ako.

"Ang drama mo talaga kahit kailan best," sabi ko at kumalas na sa yakap niya.

Tiningnan ko sila isa-isa at nagpaalam na, pagtalikod ko sa kanila ay tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Sumigaw pa si Kylie kaya napangiti ako.

"Besty, wag kang magjojowa doon ha," sigaw niya at pinatahimik naman siya ni Mike.

Hindi na ako lumingon sa kanila ayoko makita sila baka magbago pa ang isip ko. Kaya dire-diretso lang ang lakat ko.

Pag-akyat ko ng barko ay hinanap ko naman ang kwarto na nakasulat sa ticket ko, nang makita ko ito ay merong anim na dobledeck bed, at ukopado na lahat maliban sa kama ko.

Pag-upo ko ay hinarap ako ng isang babae at nginitian.

"First time mo magkadto sa manila?" Tanong niya

(First time mo pumunta sa Maynila?)

"Oo nang, ginagulbaan ko gani," sagot ko naman.

(Oo ate, kinakabahan nga ako)

"Indi magpakulba a, amo gid na ya basta bag-o pa lang,"

(Wag kang kabahan, ganyan talaga pag bago pa lang)

Nginitian ko lang siya at inayos na ang gamit ko sa kama. 18hours ang byahe ng barko galing bacolod papuntang maynila. Kaya medyo matagal-tagal ang byahe. Hindi ko namalayan na nakayulog na pala ako, nagising na lang ako dahil ginising ako ng katabi ko kaninang babae, na si Ate Pamela ang pangalan.

Pumunta kami ng canteen ng barko dahil hapunan na at kukuha na kami ng libreng hapunan. Habang nakapila kami ay merong nag peperform na mga crew ng barko sa maliit na stage dito. Nakaka aliw sila panoorin, naghanap na kami ng mauupuan ni ate Pamela at nakishare na lang kami sa dalawang matandang mag-asawa.

"Excuse me po, pwede po ba na makishare kami ng mesa?" Tanong ni Ate Pamela.

"Sige iha, maupo kayo," sabi ng matandang babae na nakangiti.

Makikita mo talaga sa kanila na mayaman sila kahit sa pananamit lang nila.

"Pupunta ba kayo ng maynila para magtrabaho?" Tanong ng matandang lalaki.

"Opo, may naghihintay na po na trabaho doon sa akin," sagot ni ate Pamela.

Hindi naman ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung magkakatrabaho agad ako.

"Ikaw iha? Magtatrabaho karin ba sa manila?" Tanong ng matandang babae, naoansin niya siguro na hindi ako sumagot.

"Maghahanap pa lang po ako ng trabaho doon, hindi ko pa po alam kung saan," sabi ko at nagkatinginan sila ng asawa niya.

"Ako nga pala si David Crissin at ito naman ang asawa ko na si Alice Crissin, ikaw iha?" Pakilala nila sa akin.

"Ah, ako po si Dessa Garcia," sagot ko na nahihiya.

"Gusto mo ba magtrabaho sa amin iha? Galing kasi kami sa isang branch namin sa bacolod para maghanap ng mga tao, dahil magdadagdag kami ng branch sa Maynila," sabi ni Sir Davin.

"Po? Talaga po? Sigurado po ba kayo?" Gulat ko na tanong.

Tumango naman sila bilang sagot tiningnan ko din si ate Pamela at nginitian niya din ako.

"Ito ang adress at calling card ko, pagdating mo ng Maynila, anytime pwede kang pumunta dyan o kaya tawagan mo ako," sabi ni Misis Crissin.

Tiningnan ko naman ang calling card niya at binasa, at nanlaki ang mata ko dahil sa nabasa ko.

Crissin beauty product

Tiningnan ko naman sila na nagugulat parin.

"Kayo po ang may ari ng Crissin Beauty Product na sikat sa bansa?"

Tumango lang ang mag-asawa sa akin.

Walang mapaglagyan ang saya ko dahil sa hindi ko inaasan ito. Akala ko magiging mahirap para sa akin ang pag punta ng Maynila pero hindi pa ako nakakarating ay may swerte na, na dumating sa akin.

Sisiguraduhin ko na tatagal ako sa trabaho kung ito. Ito na ang sagot sa lahat ng paghihirap namin.

A/N

Mga langga sa wednesday na naman ang next update.

Salamat sa pagbabasa. :)

LIFE IN MANILA (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon