"Congratulation sa atin best," sigaw ni Dessa sabay yakap sa bestfriend niyang si Kylie.
"Congratulation din best," sabi ni Kylie at gumanti naman ito ng yakap.
Ngayong araw kasi ang kanilang graduation. Tapos na sila sa highschool at simula na naman nila sa panibagong pagsubok sa buhay.
"Best magkita na lang tayo bukas, may kunting handaan sa bahay eh, "sabi niya kay Kylie.
"Sige best tawagan na na lang kita bukas, naghanda din sila mama sa bahay eh," sagot naman ni Kylie.
Nagyakap naman sila ulit at nag paalam na sa isat isa.
Nakasakay na sila sa trisikle kasama ang mama niya, Napapangiti naman siya dahil sa wakas ay matutupad na ang pinapangarap niya pagkatapos ng highschool. Matagal na kasi niyang pangarap na maka punta sa Maynila, hindi naman kasi sila ganoon ka yaman, pero hindi kaya ng magulang niya na pag-aralin siya sa college dahil siya ang panganay at may apat pa siyang maliliit na kapatid. Kaya sabi niya sa sarili niya ay pupunta siya ng Maynila para magtrabaho doon para makatulong sa magulang.
Kinaumagahan ay nagkita sila ni Kylie sa madalas nilang puntahan na burol, kahit medyo malayo ito ay pinupuntahan talaga nila ito dahil kitang kita dito ang buong syudad ng bacolod. Umupo sila sa ilalim ng puno at nilapag ang mga cheserya na dala nila.
"Best, anong plano mo ngayon?" Tanong ni Kylie sa kanya.
"Alam mo naman best na matagal ko nang plano na pumunta sa Maynila diba?"
"Itutuloy po parin best?"
"Kailangan best eh, para makatulong ako kina mama, alam mo naman na maliliit pa ang kapatid ko diba?"
"Maghihiwalay na pala tayo," malungkot na sabi ni Kylie.
"Ano kaba best, Manila lang 'yan hindi yan ibang bansa," natatawang sagot niya sa kaibigan.
"Basta best mag-iingat ka doon ha, Teka sino pala ang tutuluyan mo doon?"
"May kapatid ang papa ko doon, doon muna ako pansamantala pero pagnakahanap na ako ng trabaho ay maghahanap ako ng matitirhan."
"Eh kailab naman ang balak mo na umalis?"
"Sa susunod na buwan na best, kailangan ko pang maghanap ng pamasahe papuntang Maynila."
"Gusto mo best magbenta tayo ng mga kakanin? Magpaluto ka sa mama mo tapos ilalako natin."
"Magandang idea yan best, bukas sisimulan na natin," masayang sabi niya kay Kylie.
~~~~~~~~'~~
Kinaumagahan ay nagpaluto siya ng mga kakanin pang meryenda sa mama niya, mamayang hapon pa naman nila ilalako yun ni Kylie kaya si Kylie tumulong muna sa papa niya sa talyer nila.
Ngayon buwan din si Dessa mag dedese-otso kaya tama lang ang pagpunta niya ng Maynila.
Habang nagluluto sila ng mama niya sa kusina ng ititinda nila mamaya ay kinausap naman siya ng mama niya.
"Dessa anak, pasensya kana ha at kailangan mo pang pumunta ng Maynila para magtrabaho."
"Ma, ano ka ba! Ok lang sa akin yun, kung dito naman ako magtatrabaho sa atin ma, maliit lqng ang sweldo pero kung sa Maynila ay maraming papasukan doon na malaki ang sweldo."
"Basta anak mag-iingat ka doon ha, wag kang magtitiwala sa mga taing hindi mo pa nakikila."
"Wag kang mag-alala ma, kaya ko ang sarili ko," sabi niya sa ina at niyakap iyo.
Habang naglalakad sila ni Kylie upang maglako ay nasalubong nila ang kababata nilang si Mike.
"Dessa, Kylie, saan punta niyo?"
"Maglalako kami kailangang maka ipon kami ng pam pamasahe ko papuntang maynila."
"Tuloy ka parin Des?"
"Oo eh, alam mo na kailangan,"
"Eh paano na ako? Iiwan mo na ako dito?"
Binatukan naman ni Dessa si Mike dahil sa pag dadrama nito. Matagal na kasi nagpaparamdam si Mike kay Dessa. Kaso wala talaga siyang nararamdaman para dito. Matalik lang talaga na kaibigan ang turing niya kay Mike.
"Wag kang mag inarte Mike, hindu bagay sayo." Sabi ni Dessa.
Natatawa nalang si Kylie sa dalawa dahil palagi itong nagtatalo. Kawawa naman palagi si Mike sa dalawa.
"Akin na nga yan, tutulongan ko kayong magtinda," sabi ni Mike sabay kuha ng basket na dala nila.
Naglibot libot pa sila upang maglako at nang maubos ay nagsiuwian na ang mga ito.
"Ma, nandito na po ako," sigaw ni Dessa pagpasok niya sa bahay nila.
"Oh anak, magpahinga ka muna. Nagluluto pa ako ng haponan."
Nilapag muna ni Dessa ang Basket na dala niya at lumapit sa mama niya na nagluluto, at niyakap niya ito mula sa likod.
"Ma, pangako ko po sayo, makakaahon din po tayo sa hirap," sabi ni Dessa habang nakayakap parin sa ina.
Hinarap naman siya ng mama niya at hinaplos ang pisngi niya.
"Alam mo anak, napaka swerte ko dahil ikaw ang naging anak ko, kahit ganito lang ang buhay natin ay tanggap mo,"
"Ma ako ang maswerte sa inyo, dahil kahit mahirap lang tayo ay nagagawan niyo patin ng paraan para makakain kami."
Niyakap niya ulit ang mama niya at hinalikan sa pisngi.
"Bakit kayo lang ang magkayakap? Dapat kasama din ako," biglang sabi ng papa niya na kakapasok lang sa bahay.
"Pa."
Lumapit siya sa papa niya at niyakap niya ito, ginantihan din siya ng papa niya ng yakap.
"Kamusta ang pasada pa?"tanong niya sa papa niya, nagpapasada kasi ng jeep ang papa niya.
"Medyo matumal ngayon ang pasada Des, wala na kasing pasok."
"Ah ma ito pala ang napagbintahan namin kanina," kinuha niya ang pera para ibigay sa mama niya.
"Eh diba anak para yan sa pamasahe mo papuntang Maynila? "
"Ok lang yan ma, marami pang paraan para makakuha ng ticket."
"Ako na bahala sa pamasahe mo anak, araw-araw kong pag-iiponan yan para makabili ka ng ticket agad," sabat ng papa niya.
"Talaga pa? Maraming salamat papa," sabay yakap sa papa niya.
Kahit siya ang panganay ay sobrang close sila ng papa at mama niya. Ganoon din naman sa iba niyang kapatid. Ang magulang nila kasi ay walang pinipili lahat pantay-pantay ang pagmamahal sa kanila.
"Oh Dessa, tawagin mo na ang mga kapatid mo, at kakain na tayo."
Tumayo naman si Dessa para tawagin ang mga kapatid niya na naglalaro sa labas.
"Denmar, tawagin mo na sila bunso at kakain na tayo," sabi niya sa pangalawa niyang kapatid na lalaki.
"Opo ate," sagot naman ito.
Habang naghihintay ng mga kapatid niya labas si Dessa, at napatingala siya sa langit.
"Ano kaya ang magiging buhay ko sa maynila? Magiging masaya kaya ako doo? Doon ko ba makakamit ang magandang buhay na gusto ko?" Bulong niya sa sarili.
A/N
Maikli lang yung Ud ko. Heheh
BINABASA MO ANG
LIFE IN MANILA (UNDER EDITING)
RomantizmPumunta si Dessa sa Maynila sa edad na disi otso. Dahil sa hirap ng buhay ay nakipagsapalaran siya sa Maynila pagkatapos niya ng Highschool. Namuhay siya sa Maynila ng ilang taon na mag isa. Pero nagbago ang takbo ng buhay niya ng makilala niya si...