A/N
Yung part ng pagkikita ni Dessa at Kylie ay nasa book 1 po. Yung ibang ganap dito is nabasa niyo na sa book1.DESSA POV.
Isang buwan na ang nakakalipas ng dumating si Kylie dito sa maynila at ngayong araw lang kami magkikita. Ang saya ko dahil sa tatlong taon ngayon lang ulita kami nagkitang dalawa. Nag-ikot lang kami sa mall buong araw. Naikwento niya din ang tungkol sa inaalagan niya. Medyo nag - alala ako sa kanya baka kasi mahulog ang loob niya sa alaga niya at masaktan siya. Hindi ko ata makakaya na masaktan ang bestfriend ko. Pagkatapos naming manood ng movie ay nagmamadali na siyang umuwi dahil hanggang 8pm lang daw ang ibinigay sa kanyang palugit. Kaya ito ako naiwan mag - isa na nag aabang ng masasakyan.
Gumising ako ng maaga dahil baka malate na naman ako sa pagpasok sa trabaho. Araw-araw ganito na talaga ang routine ko.
Ganito ang buhay ko sa Maynila, kailangan kumayod para sa pamilya ko at para narin sa sarili ko.
Ilang buwan na ang nakakalilipas simula nong dumating dito si Kylie sa Maynila, ang swerte ng kaibigan ko dahil naka tagpo siya ng boss na napakabait tulad din ng mga tumulong sa akin. Pero nag aalala ako sa kanya dahil parang may namumuong pagtitinginan sa kanila ng alaga niyang baldado.
Palagi din siyang tumatawag sa akin para manga musta at mag kwento kung ano ang nangyayari sa kanya. Kung magkakatuluyan man sila ng boss niya ay napaka swerte na talaga niya.
Masaya ako kung ganoon ang mangyayari, pangarap naming dalawa yun, na makatagpo kami ng lalaking mamahalin kami ng lubusan.
Minsan lang kami magkita ni Kylie dahil nag-aaral na ito. Buti pa siya at makakapagtapos na. Pursigido talaga siya na makapagtapos ng pag-aaral.
Breaktime ko ngayon at nandito ako sa foodcourt para mag miryenda. Ako lang mag isa kasi ako lng naman ang naka break ngayon. Iniwan ko muna sa kasamahan yung stall namin na mga make up. Habang naka upo ako dito ay bigla naman tumunong ang cellphone ko, and speaking of my Bestfrien ay ito siya at tumatawag.
"Besssttt" bungad ko sa kanya. Tyak na maiirita naman ito hehee.
"Best kailangan ba talagang sumigaw? " ohh diba?
"Hindi naman best,Hehe, anong atin at napatawag ka?"
"Best my gagawin kaba bukas?"
"Day off ko bukas best, Bakit? Magkikita batayo best, Hehehe?"
"Kailangan ko ang tulong mo bukas best."
"Anong tulong naman yan?"
"Pwede bang ayusan mo ako bukas? My party ang company nina sir Stephen bukas at kailangan din akong pumunta kasi diba nga personal assistant na ako ni Sir Stephen."
"Wow. Napromote kana best? Natatawang sabi ko. "At teka ikaw magsusuot ng gown at heels?" Natatawang sabi ko. Kahit kasi noong bata pa kami ay hindi nagsusuot nang bistida yan, Palagi yang naka pantalon o kaya mahabang short.
"Wag ka ngang tumawa best, nakakainis ka naman eh, wala na akong choice at ayoko ding sabihin nila madam na nag eenarte pa ako "
"Sige best bukas pupuntahan kita dyan at aayusan, send mo na lang ang adress sa akin mamaya." Natatawa kong sabi
Pinatay ko naman ang cellphone ko nong nagpaalam ba siya sa akin. Tinuloy ko naman ang pagkain ko. Binilisan ko nang pagkain dahil matatapos na ang breaktime ko.
Nong tumayo na ako. Hindi ko naman namalayan na meron palang papalapit na lalaki sa akin para umupo sa kabilang mesa.
Kaya naman natabig kong hawak niya na tray ay natapon yun sa damit yah..
"Shit!" rinig kong sabi ng lalaki.
"Naku sorry po sir, hindi ko po sinasadya.. Sorry po talaga."Sabay kuha ng napkin at pinunasan ko yung damit niya.
Hindi ko naman nakikita ang mukha niya dahil nakayuko ako dahil sa kahihiyan.
Bigla nya namang hinawan ang kamay ko at tinabig. Kaya napa tango ako na napatitig sa mukha niya.. Sa gwapong mukha niya to be exact.
Ang singkit niyan mata ang ganda, ang tangos ng ilong. Ahh basta ang gwapo niya!
"Are you done staring at me?" nagulat naman ako dahil sa bigla niyang pagsalita.
Naiwas ko din ang tingin ko sa kanya dahil parang namumula yung mukha ko.
" Sorry po talaga Sir. Hindi ko po talaga sinasadya." napatingin naman ako sa orasan ko at nakita kung tapos na ang break time ko.
Bigla akong tumalikod at tumakbo pero nilingon ko muna siya.
"Sir gwapo, Sorry po talaga, pero kailangan ko nang umalis late na ako."
Sabay takbo ko pabalik sa Store.
Habang tumatakbo ako ay napapa isip ako kung saan ko ba yung nakita para kasing napaka familiar niya.
~~~~~~~~~~~~~~~
FELIX Pov
After ng duty ko sa hospital ay dumeretso muna ako sa mall para bumili ng regalo for mom. Hindi niya naman birthday pero nakaugalian kona bigyan siya lagi ng regalo.
Pinarada ko na sa parking lot ang kotse ko at pumasok na sa mall. Dumeretso ako sa store ng mga perfume. Mahilig kasi si mommy mag collect ng ibat ibang perfume.
Umiikot ikot muna ako at tumingin tingin. My lumapit din sa akin na saleslady para mag assist sa akin.
"Sir ano po yung gusto nyong perfume"?
"I want a perfume na hindi masyado matapang ang amoy."
"Dito po tayo sir" lumipat kami sa kabilang side ng store.
My kinuha siyang isang pink na perfume.
"Here sir. This is our new product of sweet perfume."
"Ok I take it, pakibalot na lang miss.
Pagkatapos kung bumili ng perfume ay naghanap muna ako ng makakainan, hindi ako punta sa restaurant. Gusto kung kumain ng mga native food. Kaya sa foodcourt ako naghanap ng makakakain!
Pagkatapos kong makuha ang inorder ko na pang meryenda. Ay naghanap ako nga mauupuan at my nakita akong bakante doon sa harapan ng babae na nakatalikod sa akin. At napangisi ako dahil kilala ko ang uniform na suot nito.
Nang makalapit na ako sa mesa Ay siya namang tayo ng babae sa harapan ko. Kaya ang dala kong pagkain ay natabig niya at natapon lahat sa damit ko ang pagkain.
"Shit!" Bulong ko naman.
"Naku sorry po sir, hindi ko po sinasadya.. Sorry po talaga." Hinging tawad niya sabay punas niya ng tissue sa damit ko hindi ko naman makita ang mukha niya kasi naka yuko din siya. Pero kilala ko na siya.
Kinuha ko ang kamay niya at tinabig yun. Kaya napa angat ang mukha niya at napatitig sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. At doon ko nga napagtanto na siya nga ang babaeng nagtatrabaho doon sa beuty product. Napaka ganda niya talaga, kahit naka make up at bagay naman sa mukha niya. Nakatitig parin siya sa akin kaya nagsalita na ako.
"Are done staring at me?" Cold kong nasabi.
Napaiwas agad siya ng tingin pero kitang kita ko ang mukha niya na namumula. Napangit naman ako.
"Sorry po talaga Sir, hindi ko po talaga sinasadya," sabi niya ulit at napatingin sa relo niya at biglang tumalikod at tumakbo. Pero tumigil din siya at sumigaw.
"Sir gwapo, sorry po talaga, pero kailangan ko nang umalis late na ako," sabay takbo.
Napabuntong hininga naman ako. At napatingin sa pagkain na natapon. Pero nadako ang tingin ko sa isang bagay na sa sahig.
Pinulot ko ito at tiningnan, Isang Id. Napangiti naman ako kung sino ang nag mamayri nito.
"Dessa Garcia"
"Wala ka talagang binagbago Miss Sungit," nakangiti kong sabi.
A/N
Salamat po dahil hinintay niyo akong makapag update.
BINABASA MO ANG
LIFE IN MANILA (UNDER EDITING)
RomancePumunta si Dessa sa Maynila sa edad na disi otso. Dahil sa hirap ng buhay ay nakipagsapalaran siya sa Maynila pagkatapos niya ng Highschool. Namuhay siya sa Maynila ng ilang taon na mag isa. Pero nagbago ang takbo ng buhay niya ng makilala niya si...