DESSA
Ngayong araw na ang alis ni Kylie pauwi sa probinsiya, kasalukuyan naman akong nasa mall at magpapa-alam lang ako kay Sam na aalis saglit. Susunduin naman ako ni Felix dito sa shop at sabay na kaming pupunta sa airport. Ihahatid naman ni Stephen si Kylie sa airport kaya doon na lang kami magkikita.
Biglang tumunog ang doorchain hugyat na may pumasok, paglingon ko sa glass door, ay ang nakangiting si Doctor Felix ang pumasok.
"Good morning Doc," bati ni Sam sa kanya.
"Good morning," balik na bati niya kay Sam. Sa araw-araw ba naman na pagpunta ni Felix dito ay makikilala talaga siya ni Sam.
"Are you ready?" Tanong niya sa akin ng lumingon siya sa akin.
Tumango lang ako bilang sagit at binalingan si Sam.
"Sam, ikaw muna dito ha, babalik din agad ako," nakangiti kong paalam kay Sam.
"Yes ma'am Dessa, ako na bahala dito," nakangiti niyang sabi.
Umalis na kami ni Felix at papunta na kami sa airport. Mag tatanghali na ng makarating kami dito. Tiningnan ko naman ang oras at tamang-tama lang ang dating namin.
Tinawagan ko ang cellphone ni Kylie ay hindi niya ito sinasagot, siguro papunta narin ito dito.
"Mahal, kain kaya muna tayo?" Tanong ni Felix sa akin.
"Mamaya na, baka papunta na rin sila eh," pagtanggi ko sa kanya.
"Okey sige, antayin na lang natin sila," pagsang-ayun niya.
Isang oras na kami dito sa airport at ilang minuto na lang ay aalis na ang eroplano na sasakyan ni Kylie. Binundol ako ng kaba dahil sa isipin na baka may nangyaring masama sa kanya, bigla-bigla pa naman siyang inaatake ng sakit ng ulo.
Nandito kami sa loob ng airport sa waiting area nang makita ko si Stephen na parang natataranta at parang balisa. Inilibit ko ang tingin ko kung kasama niya si Kylie, pero wala itong kasama. Nakita niya kami at tumakbo papunta sa amin. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon.
"Wala ba dito si Kylie?" tanong ni Stephen.
"Wala pa nga kanina pa kami dito, bakit ano bang nangyari? Diba dapat kayo ang magkasama?" tanong ni Dess.
"Brenda went to my office para makipagbalikan sa akin, but Kylie saw when Brenda kiss me, believe me Dessa I refused Brenda, Si Kylie ang mahal ko," naiiyak niyang kwento.
"Putang ina ka Stephen bakit mo nagawa yun kay Kylie?" Hindi ko na napigilan ang galit ko sa kanya at minura ko siya, pinigilan naman ako ni Felix dahil sa akmang susugurin ko si Stephen.
"Des hindi ko naman ginusto yun," naiiyak niyang sabi.
"Ginusto mo o hindi nasaktan mo parin siya, at kung may masamang mangyari kay Kylie, lintik lang na walang ganti Stephen papatayin kita," nang gigil ko paring sabi sa kanya na kina bigla niya.
"Im sorry," nakayuko niyang sabi.
"Sorry? Ha! Kay Kylie mo dapat yan sabihin hindi sa akin. Alam mo ba kung ano ang pinagdadaan ni Kylie ngayon? Putang ina Stephen may sakit sa utak si Kylie at kung hindi maagapan yun ikamamatay niya," galit na galit ko paring sigaw sa kanya, wala na akong makialam kung madaming tumitingin sa amin ngayon at wala rin akong pakialam kung malaman niya ang tungkol sa sakit ni Kylie.
BINABASA MO ANG
LIFE IN MANILA (UNDER EDITING)
RomancePumunta si Dessa sa Maynila sa edad na disi otso. Dahil sa hirap ng buhay ay nakipagsapalaran siya sa Maynila pagkatapos niya ng Highschool. Namuhay siya sa Maynila ng ilang taon na mag isa. Pero nagbago ang takbo ng buhay niya ng makilala niya si...