LIFE IN MANILA #17

664 27 11
                                    

2 years later

Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng maoperan ang bestfriend ko. I'm thankful dahil naka recover ang bestfriend ko sa operation niya. Ito na ata ang pinakamahirap na pinagdaan namin. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko kaya after ng recovery niya ginawa ko ang lahat to make her happy. And finally she's married with Stephen Dela Torre ang bestfriend ng boyfriend ko. Yes kami na ni Doctor Felix. Bestfriend to bestfriend lang.

FLASBACK

"Best!!" Patakbo kong sigaw papunta kay Kylie na nakahiga sa kama niya. After niya na operahan, ay dalawang araw siyang tulog for her full recovery.

"Best!" Nakabuka ang dalawa niyang kamay para salabugin ang yakap ko.

"Best, sa wakas at gising kana, pinag-alala mo kaming lahat," sabay punas mg mga luha ko habang nakayakap parin ako sa kanya.

"Marami kasi kayong nagmamahala sa akin kaya bumalik ako," nakangiti niyang pinunasan ang mga luha ko.

"Syempre best mahal na mahal kita," nakangiti kong hinaplos ang pisngi niya na may mga luha nating tumulo.

"Ngayon gising na ako, kayo naba ni Doc? Sabi niya kasi sa akin ay dapat makayanan ko ang operasyon para sagutin mo na siya," natatawa niyang sabi.

"Best, hindi pa, hindi ko magawang magpakasaya habang ikaw naman ay naghihirap sa sakon mo."

"Baliw ka talagang babae ka, Eh paano kung hindi ko nakayanan ang operasyon? Hindi mo sasagutin si Doc?" Nanlalaking mata na sabi niya.

"Alam ko naman kasi nakakayanin mo," nakangiti kong sabi.

"Oh, kailan mo balak sagotin si Doc?"

"Mamaya best," sabay ngisi sa kanya.

"Goodluck best," at niyakap niya ako ulit.

Hinatid ako ni Felix sa apartment ko nang matapos kaming mag-usap ni Kylie. Tahimik lang kami sa loob ng kotse at parehas na nakikiramdam sa isa't-isa. Ang awkward kasi pag ako ang unang magsasabi sa kanya na sinasagot ko na siya. Hindi naman siya nagtatanong ulit. Ramdam ko rin na panay sulyap niya sa akin habang nag mamaneho siya.

Humugot muna ako ng malalim na hininga para ihanda ang sarili ko para sabihin sa kanya.

"Felix"

"Dessa"

Nagkatinginan kaming dalawa ng sabay naming tinawag ang isa't isa.

"You first," sabi ni Felix.

"Hindi ikaw na, maysasabihin kaba sa akin?" Itinigil niya muna ang koyse sa tabi ng daan at humugot ng malalim na hininga bago humarap sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako sa mga mata.

"Dessa, You know how much I love you right? I will do everything to make you happy. I will protect you no matter what. I will risk my own life before you," hinalikan niya ang kamay ko habang nakatitig parin sa akin. Hindi ko naman napigilan ang mga luhang nag uunahan sa pag agos sa mga mata ko.

"Fe-Felix"

"Dessa, WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. This is it, ito na ang hinihintay ko na sabihin niya sa akin. Kaya hindi na ako nagdalawang isip para sagotin siya.

"Finally tinanong mo rin sa akin 'yan, Yes Doctor Felix Samonte. I WILL BE YOUR GIRLFRIEND." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Hinawakan niya bigla ang dalawa kong pisngi at nagulat na lang ako na magkalapat na ang aming mga labi. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko sa sobrang saya.

LIFE IN MANILA (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon