LIFE IN MANILA #12

503 20 1
                                    

AUTHORS NOTE

You can read this chapter in book 1 also. 😊 May nirevise lang ako ng konti.  Happy reading. 😊

DESSA POV.

  🎵Lintik na pag ibig
Parangkidlat

Puso kong tahimik na naghihintay
Bigla mong ginulat
'Di ko man lang napansin ang iyong pagdating

Daig mo pa ang isang bagyong namuo sa malayo

Ihip ng hangin biglang nag-iba
Sinundan pa ng kulog at kidlat
Sa biglang buhos ng iyo sa akin
Ako'y napakanta🎵

"Lintik nga naman na pag-ibig oh. Nang bubulabog." Komento ko sa kanta na pinakikinggan ko ngayon.

Bakit ba ang tagal ng lalaking yun. Yung ayoko ko sa lahat kasi ay yung pinaghihintay ako. Nagtataka ba kayo kung nasaan ako ngayon? At sino ang hinihintay ko?

Well ang nag-iisa lang namang Doctor ng mga mokong. Sabi niya magkikita daw kami ngayon at may sasabihin siya. Ano naman kaya ang sasabihin noon?

Aamin na kaya siya na bakla siya?hahaha

Nakaupo ako ngayon dito sa park malapit sa apartment na inuupahan ko. Sabi ko kasi sa kanya na dito na lang kami magkikita.

After kasi noon na galing kami sa Baguio ay parati naman kaming nagkikita at kumain ang trip namin gawin. Hehehe

"Sa wakas at dumating din," bulong ko sa sarili ko nong nakita ko ang kotse niya.

Pagbaba niya ay patakbo naman siyang lumapit sa akin.

"Sorry Des at nalate ako natraffic ako eh," paliwanag niya na hinihingal.

"Ano ba kasi ang sasabihin mo at dis oras na ng gabi ay makikipagkita kapa sa akin,"

"Sorry naman. Importante lang kasi ang sasabihin ko. Hindi na pwede ipagpabukas baka kasi hindi ko na naman masabi," kamot batok niyang sabi.

"Ano ba kasi yun?" Naiirita kong tanong.

"Woohhh!" buntong hininga niya
At tiningnan niya ako ng seryoso

"Desss Garcia can i court you?" Nakangiti niyang tanong.

"Wee? Nakadrugs ka ba at kung ano ano yang sinasabi mo?" Sabi ko na hindi seneryoso ang sinabi niya. Imposible naman na ang isang Felix Samonte ay magkakagusto sa isang tulad ko? Never!

"What? Hindi ako naka drugs, Doctor ako hindi adik," kunot noong sagot niya.

"Ehh bakit bigla mo naman sinabi na 'can i court you?" Pang gagaya ko sa boses niya.

"I'm damm serious Des, Alam mo ba kung ilang drum ng lakas ng loob ang inipon ko para masabi ko yan sayo? Tapos ikaw hindi mo seneryoso?" Sigaw niya sa akin.

Napangiwi naman ako dahil sa sigaw niya. Pero nagseryoso din ako ng nakita kung seryoso din siyang nakatingin sa akin.

"Ehh kasi hindi ko naman eni expect na darating ang araw na magugustuhan mo ako," Mahina kung sabi habang nakayuko. Namumula kasi ang mukha ko

LIFE IN MANILA (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon