Dessa Pov.
THREE YEARS AFTER
"Good morning sunshine," sigaw ko at inunat ang dalawa kong kamay habang naka-upo sa kama.
Oras na naman ng trabaho at kailangan nang bumangon ng maaga. Sa tatlong taon ko dito sa Maynila kahit kailan hindi pa ako nakakauwi sa amin. Palagi naman akong tumatawag sa bahay lalo na kay Kylie ang bestfriend ko.
Bumangon na ako at dumeretso sa kusina para magluto ng almusal ko. Daily routine ko na tuwing umaga. Nagluto lang ako ng sunnyside up na itlog at hotdog, hindi ako kumakain ng kanin sa umaga, paparesan ko lang ito ng kape. Pakanta kanta pa ako ng tumunog ang cellphone ko, nong tingnan ko napangiti ako dahil si besty ang tumatawag.
"Bessssttt," Excited na sabi niya.
"Mukhang Good mood ka ata best," sagot ko.
"Best magkikita na tayo,"
"Bakit?papauwiin mo ako?"
"Ay sunga Hindi! Pupunta ako ng Maynila at dyan na magtatrabaho,"
"Talaga best? Kailan naman ang punta mo dito? miss na miss na kita ehh."
"Next week na nagmamadali kasi ang employer ko kasi aalis siya papuntang Hongkong walang mag aalaga sa anak niya."
"Excited na akong makita ka best sa wakas at puputi kana rin," biro ko sa kanya.
"Ang sakit mo talagang magsalita eh noh?"
"Hahhaha hindi kana mabiro."
"Ahh ewan ko sayo basta pag nandyan na ako magkikita na tayo at para mabatukan kita."
"Ayy nagbago isip ko best hindi pala kita na miss."
"Sunga..!!hahahhaa"
Pagkatapos naming mag-usap ni Kylie ay kumain na ako at naligo para pumasok sa trabaho. Masaya ako dahil sa wakas magkikita na kami ng bestfriend ko.
Nag-aabang ako ng taxi dito sa labas ng village, magtataxi ako ngayon dahil medyo late na ako. Nagmamadali na akong sumakay sa taxi.
"Manong paliparin mo na," sabi ko kay manong driver.
"Naku ineng, walang pakpak ang taxi ko," birong sagot din ni manong na natatawa din.
"Manong patakbuhin mo na lang,"
"Ineng walang paa ang taxi ko," natatawang sabi ni manong.
"Sige manong pagulungin mo na lang tutal may gulong naman to," natatawa kong sabi.
"Pwede ineng," natatawa ding sagot sabi no manong.
Mabilis din naman ako nakarating sa mall kong saan ako nagtatrabaho. Pagbaba ko ay sirado pa ang mall, 15 mins. Na lang at magbubukas na. Patakbo akong pumasok pinakita ko lang amg id ko sa guard para papasukin ako.
Pagdating ko sa Crissin beauty products ay binuksan ko agad ang glass door.
"Maam, late na kayo," sabi ni Sam isa sa mga staff dito.
"Oo nga eh, ayaw kasi paliparin ni manong driver amg taxi niya,"
Natawa naman si Sam dahil sa sinabi ko. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa inyo na ako na ang manager sa branch na ito, kahit hindi ako nakapagtapos ng college ay pinagkatiwala ni Ma'am Alice sa akin to.
"Sam, punasan mo muna ang mga glass stand, mukhang maalikabok na," utos ko kay Sam habang ino-on ang aircon.
"Okey po Maam Dess,"
BINABASA MO ANG
LIFE IN MANILA (UNDER EDITING)
RomancePumunta si Dessa sa Maynila sa edad na disi otso. Dahil sa hirap ng buhay ay nakipagsapalaran siya sa Maynila pagkatapos niya ng Highschool. Namuhay siya sa Maynila ng ilang taon na mag isa. Pero nagbago ang takbo ng buhay niya ng makilala niya si...