LIFE IN MANILA #15

583 25 6
                                    

DESSA


Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay bumangon parin ako para magtrabaho. Ginawa ko na ang dapat kong gawin bago umalis ng bahay. Paglabas ko ng apartment ko ay nagulat ako sa taong nakatayo at naka sandal sa kotse niya. It's Stephen Dela Torre.

Nang makita niya ako ay tumayo siya ng tuwid, kaya nilapitam ko siya.

"Bakit nandito ka?" Mataray kong bungad sa kanya.

"I'm sorry Dessa for what happened, dumaan muna ako dito bago pumunta ng airport, dahil susundan ko doon si Kylie," mahabang paliwanag niya.

"I'm sorry kung ano man yung nasabi ko sayo Steph," nakayuko kong sabi sa kanya.

"It's okey Des, I understand what you feel at napaka swerte ni Kylie at ikaw ang naging bestfriend niya," nakangiti niyang sabi.

"Salamat! At may pabor sana ako sayo," seryoso kong sabi.

"Spill it."

"Gusto ko sana na kumbinsihin mo si Kylie na magpa opera siya. Nagdadalawang isip kasi yun kung itutuloy niya o hindi ang operation," hinging pabor ko.

"Kahit hindi mo sabihin yan ay gagawin ko parin yan Des. I don't want to lose her, Never again," seryos ding sabi niya.

"Ibalik mo dito si bestfriend na ligtas at buo ha," biro ko sa kanya.

"I will," mauuna na ako baka mahuli pa ako sa flight ko.

"Sige, ingat ka at ikamusta mo ako kay Kylie," nakangiti kong paalam sa kanya.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil susundan ni Stephen si Kylie. Buong araw ako nasa mood kahit hindi nakatawag si Felix sa akin ay hindi ako nagdududa.

Kung magiging okey si Besty baka sagutin ko na din si Felix, inaamin ko naman na mahal ko na siya, kaso minsan ay hindi ko pinapahalata dahil baka mamihasa.

Kinabukasan ay hindi ako pumasok dahil nakaramdam na naman ako ng pag-aalala kay Kylie, wala pa kasing balita si Stephen kung nagkita na sila o nagkausap man lang. Nandito lang ako buong araw sa bahay, nakatihaya at kain lang ng kain. Yan kasi ang ginagawa ko pag na eestress ako. Kasalukuyan akong nasa sala at nakatihaya ng tumuong ang doorbell.

"Shit bakit nandito si Felix? Ang aga-aga,hapon ba talaga to?" Buong ko sa sarili.

Dali-dali muna akong pumasok sa banyo at naghilamas at nagpalit nadin ako ng short dahil naka pajama lang ako.

Iniligpit ko muna ang mga plastic ng chips na kinain ko kagabi. Hindi naman ako nag-abala na maglinis kanina dahil hindi ko naman inaasan na pupunta si Felix ngayon.

"Shit naman na malagkit oh, Hindi pa ako nakapaglinis ng bahay." Reklamo ko habang pinupulot ang mga kalat.

Nang makita kong mukhang maayos na ang buong sala ay binuksan ko na ang pintuan. At ang nakangiting mukha ni Felix ang bumungad sa akin.

"Good morning Des," Bati niya sabay bigay ng bulaklak na dala niya.

"Good morning din, Nag-abala kapa," Sabay kuha  ng bulaklak.

"Pasok ka, kumain kana ba? Gusto mo kape? Juice? Tea?" Sunod sunod kong tanong.

"Water will do," Sagot niya at oumasok na sa bahay at dumeretso sa sofa at umupo.

LIFE IN MANILA (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon