PROLOGUE

29 2 2
                                    


"What kind of mindset do you have?!"


Lumapit ako sakaniya at pinandilatan siya. Hindi maipinta ang reaksiyon ng mukha niya dahil sa nasabi ko sakaniya.


"I'm just stating a fact Ms. Castellan," mayabang na sabi niya. Hindi ko na natiis ang ugali niya at hindi ko namalayang bumagsak na pala ang palad ko sa kaliwang pisngi niya.


Unti-unting kumunot ang noo ko kasabay ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko na maintindihan 'tong lalaking 'to. Nakakasira ng ulo yung ugali niya. Sa tinagal-tagal niya nang sinisira ang araw ko, ngayon lang ako hindi nakatiis sa sinabi niya.


Hindi niya 'ko kilala. Hindi niya alam ang pinaghirapan ko para marating 'tong kinatatayuan ko ngayon. Kasi wala naman talaga siya n'ong mga panahong dapat na kasama siya.


"Wala kang alam sa kung ano man ang nangyari sa'kin! Una pa lang wala ka na talaga para malaman ang mga 'yon! Wala kang karapatang sabihan ako ng mga ganiyan! Tandaan mo kung hindi dahil sa tatay mo, you won't be able to sit on that chair!" binagsak ko sa lamesa niya ang mga papeles na hawak ko at padabog na umalis palabas ng opisina niya. 


Agad akong nagtungo sa comfort room at sumandal sa pinto. Doon ko na nilabas lahat ng luha at galit ko sakaniya.


Napakasama ng ugali ng demonyong 'yon! Hindi niya naman deserve ang pwesto na kung nasaan siya ngayon ah! 


Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pintuan. "Ms. Reese Castellan?"


Hindi ako umimik nang malaman ko kung sino ang tao sa likod ng pinto.


"Hey, I'm sorry for what I've said to you."


Walang pumapasok sa isip ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.


Galit na galit ako pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko gusto ko siyang harapin at ipakita sakaniyang lumuluha ako, na nasasaktan ako dahil sakaniya.


Napasapo ako sa noo ko at pinunasan ang mga luha ko. Tumayo ako habang inaayos ang damit ko pagtapos ay binuksan ko na ang pinto.


Nagulat ako nang bigla niya 'kong hilain at idikit ang ulo ko sa dibdib niya. Ipinalibot niya ang mga braso niya sa bewang ko.


Naguguluhan akong niyakap siya pabalik. Wala na 'kong maisip kung ano ba'ng dapat na gawin.


"I'm sorry, stop crying Reese, please?"


Sa buong panahon na nakasama ko siya, ito pa lang yung pangalawang beses na naramdaman kong may puso siya.


Unang beses ay yung mga panahong masaya lang kaming iniinsulto ang isa't isa dahil nga mga bata pa kami at inakala kong d'on na magtatapos lahat ng sakit na nararamdaman ko, pero mali pala 'ko.


Inangat ko ang ulo ko at tinulak siya palayo sa'kin. Tumulo nanaman ang mga luha ko kahit anong pagpigil na ang ginawa ko. Bumalik ulit ang galit sa isip ko.


"I hate you, 'di kita maintindihan! Ang gulo-gulo mo! Hindi ka na nagbago!"


Tumakbo na'ko palabas at umasang hindi na sana siya sumunod.

Aiming HighWhere stories live. Discover now