CHAPTER 1

13 1 0
                                    


Reese's POV


"Are you ready?" tanong ni mama habang nagre-retouch ng make-up niya.

"Opo ma," tinanggal ko na ang pagkakaseatbelt ko at hinintay si Mama na maunang bumaba ng kotse. Napatingala ako nang makapasok kami. Sobrang laki ng convention center na 'to at pakiramdam ko kasya na dito ang sampung libong katao.

First time kong sumama sa event sa kumpanya ni Mama kaya wala akong kaalam-alam sa mga mangyayari.

Maski ang pagsuot nga ng tamang damit ay tinanong ko pa kay Mama at nagsearch pa 'ko sa internet para makasigurado eh.

Charity Ball daw kasi 'tong pupuntahan namin. Kakaunti lang rin naman ang mga damit na pagpipilian ko kaya sinuot ko na lang yung gown ko sa kasal ng tita ko. Black strapless column gown na may mga lace sa bandang tube 'to kaya kitang kita ang pagkakahugis ng balakang ko. Tinernohan ko naman 'to ng white heels at silver na pouch para sa phone and air-pods ko.

"Good evening Mrs. Castellan," bati ng isang guard kay Mama. Bumukas ang pinto at bumungad ang malumanay na musika sa'min. Pang-matatanda nga talaga 'to.

Dumiretso kami ni Mama sa isang table kung saan may mga babaeng naguusap-usap at mga matatandang lalaking nagtatawanan.

Napalingon ako sa bandang kanan ng mesa. Hindi lang pala ako ang out-of-place dito dahil hindi lang ako ang nag-iisang teenager. Nakasuot siya ng black buttons-up na polo na nakabukas ang dalawang butones at nakasabit naman sa upuan niya ang puting coat. 


Mukhang busy siya kasi pindot siya ng pindot sa cellphone niya na may seryosong mukha. Ayaw ko namang sumilip kung ano'ng pinagkakaabalahan niya kasi alam ko naman yung salitang privacy.

Sakto pa ngang pinaupo kami ng boss ni Mama malapit sa kanila kaya nakatabi ko pa ang binata na nasa kanan ko na habang si Mama ay nasa kaliwa ko.

Nag-uusap usap sila at wala 'kong maintindihan na naging dahilan ng pagkaburyo ko.

Napansin kong binaba na ng katabi ko yung cellphone niya at napansin kong humarap siya sa direksiyon ko. Napalunok na lamang ako sa sobrang pagkailang sa titig niya.

Ano ba 'to?! Crush ba 'ko nito?! Ang weird niya ha!

"First time."

Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. 


Ano daw?! Pinagsasabi nito?

"Pardon?" nagtataka kong tanong sakaniya habang nakataas ang dalawang kilay.

Bigla siyang tumawa kaya napalunok ako. May nasabi ba 'kong nakakatawa? 'Di naman ako nagjojoke ah? Baliw ata 'to eh!

"Your table napkin miss, it shouldn't be on your lap," natatawa niyang sabi sa'kin pero nakatingin pa rin sa malayo.

Wala naman nga kasi akong kaalam-alam sa mga ganitong bagay! Kinuha ko ang napkin na nasa hita ko at ibinalik sa mesa. Hindi pa ako masyadong nakakapunta sa mga ganap na kagaya nito na formal and fancy talaga. Hindi naman ako prinsesa para pag-aralan 'to 'di ba? Kung ano ang nakikita ko sa mga palabas, 'yon na 'yon.

"Is it a big deal ba?" pabulong na sagot ko sakaniya.

Napairap nalang ako sa inis. Jusko 'wag niya lang talaga 'kong simulan. Pasalamat siya't mabango siya kung 'di baka kanina ko pa tinapakan paa niya.

Aiming HighWhere stories live. Discover now