I am wearing a black strapless top and faded denim shorts, ito na kasi yung suot ko kanina pamasok tinamad na kong magbihis ulit dahil napagod rin ako sa pagcocommute galing school. I also wore an oversized button down polo para 'di masyadong exposed shoulders ko. Pumayag na 'kong makipag-meet kay Devin para maisauli 'tong kwintas na 'to at para matapos na yung pang-aabala niya sa sched ko. Pero inis pa rin ako sakaniya ah!
Nag-book ako ng grab papunta sa coffee shop kung s'an kami magkikita. I went inside pero wala pa rin siya, late pa ang bwiset. I didn't wait for him to order because I didn't eat breakfast. I ordered the same and started eating.
Halos 20 minutes na 'kong naghihintay pero wala pa rin siya kahit isang message. I decided to go to the company so I can just leave this necklace in his father's office. Patayo na sana 'ko nang biglang bumukas yung pinto.
"Sorry, I'm late," bungad sa'kin ni Devin.
"Obvious ba? Sabi mo 2 pm but you're here and it's 2:27," mataray kong reklamo sakaniya.
Nag-order na siya ng pagkain niya at bumalik sa mesa namin. "Here," sabi ko pagkabigay ng kwintas.
"Take it," he replies while looking at his phone. "It's yours, I'm giving it to you Ms. Castellan".
"What do you mean?"
"It's a gift for you."
"For what?"
"Basta."
Nakakunot-noo kong pinasok ulit ang kwintas sa bag. 'Di na 'ko nag-abalang kulitin siyang tanggapin yung kwintas. "Salamat,"sabi ko ngunit nginitian niya lang ako ng matipid at bumalik na ang reaksiyon sa pagiging seryoso.
Walang kwentang kausap 'to. Wala kong mapapala dito pag nagpa-advice ako dito o ano. Sobrang tipid ng sagot, mas nabibwiset lang ako sakaniya kaya hindi na 'ko nag-abala pang daldalin siya. Busy rin siya kasi parang may inaasikaso sa cellphone tapos may mga tumatawag pa siya. English speaking pa nga kung sumagot ng tawag.
After I finished my food, nagpaalam na ' kong uuwi na.
"I have to go Mr. Pierce."
Napaangat ang tingin niya sa'kin at nagmadaling ubusin yung frappe na inorder niya.
"Hahatid kita."
I was amused of what he said. Samantalang nung isang gabi lang ang antipatiko ng ugali niya tungo sa'kin tapos ngayon may pag hatid-hatid na siyang nalalaman.
"I can book myself a grab, sorry but no thanks."
"Don't be choosy. I'm the one who's giving you a favor."
"Wow! As far as I know, I didn't ask you for a favor Mr. Pierce," sarkastiko akong ngumiti sakaniya.
YOU ARE READING
Aiming High
RomanceBillions of people on the world, No one is not a dreamer. We all have our own kinds of dreams. A short term dream or even a long term dream, we all want to aim it. Some people may depend on time, others depend on wealth. Reese is a girl who has a lo...