CHAPTER 7

17 1 4
                                    


*school bell rings*


"So, s'an tayo kakain?" tanong ni Criz. Naglalakad kami palabas ng campus habang si Alli ay may kausap sa cellphone niya. "Kahit s'an na lang, sa ayaw mong kainan," sagot ko.


Inirapan ako ni Criz na naging dahilan ng pagtawa ko. Alam na alam ko kung p'ano inisin 'tong babaeng 'to. Napakaseryoso kasi nito 'pag gutom, 'onting pamimilosopo lang ay tiyak na kukulo agad ang dugo nito. 


"Hoy ikaw!" siniko naman niya si Alli na ngiting ngiti kung kausapin ang kung sino mang katawagan niya. 


"Aray!" sigaw ni Alli. "Wait lang, mamaya na kita tatawagan," binaba na niya ang tawag at tinuon ang atensyon sa'min. "Okay na 'ko sa sinabi ni Reese! Masarap d'on!"


Humalakhak ako at napakunot ng noo si Alli. "'Di ko talaga alam kung bakit kaibigan ko kayo!" inis na sabi ni Criz. Sinundan nalang namin siya sa kung s'an man siya nagtungo. 


Huminto kami sa harap ng Zark's Burgers. Amoy na amoy na agad sa labas ang pagkain na inihahanda nila. 


"Tara na!" hila saamin ni Criz. 


Kanya-kanya kaming nag-order ng kakainin. I ordered their Luther Burger and buffalo wings. Si Criz at Alli naman ay naghati sa Zark's Ultimate dahil 'di daw nila mauubos. I'll admit that I really am a big eater but I never gained weight above normal. Maybe food is just for me, any kinds, any types, it will all suit in my stomach. 


Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam na kami sa isa't isa bago umuwi. I was so full kaya medyo sumasakit ang tagiliran ko dahil na rin sa paglalakad ng mabilis. I booked a grab and it took a few minutes before we reached the house. 


Naglakad ako patungo sa pinto at napansing bukas ito. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at nagtungo sa sala. 


"Welcome," bati sa'kin ni Devin.


"Naknampu nandito ka nanaman?! Wala ka na bang sariling tahana-" bago ko pa maituloy ang sinasabi ko, lumabas si mama at ang boss niya galing sa kusina. Parehong may hawak na baking pan at halatang masaya silang nagkekwentuhan kanina. 


"Oh! Anak, nanjan ka na pala! We're baking cupcakes, gusto mo tikman?" tanong ni mama.


"G-good afternoon po," kabado kong bati sa tatay ni Devin.


"Good afternoon rin hija, mukhang nabati ka na rin ng anak ko ah?" napatingin siya kay Devin. 


"Yes dad, she nicely greeted me also, no worries," napatawa siya ng mahina at ngumiti sa'kin nang makita ang kabadong reaksyon ko.


"Akyat na 'ko ma. I already ate," paalam ko.


"Oh? Okay," bigong sagot ni mama.


Nginitian ko siya pati ang boss niya. Sinundan naman ako ng tingin ni Devin habang nakangisi. 

Aiming HighWhere stories live. Discover now