CHAPTER 6

7 1 0
                                    


I went home after school, hindi pa kumakain. Tinamad akong magpunta sa mga kainan dahil bukod sa pagod na katawan ko, napansin ko ring maraming tao sa mga fast food chain. I tried calling my friends pero mukhang busy, by that it means ako na lang mag-isa dito sa bahay buong magdamag hanggang sa mag-gabi.


I just watched movies the whole time hanggang sa mag-seven na ng gabi. I don't know what to eat for dinner so I decided to browse on the internet. Pero kahit kumakalam na ang sikmura ko, 'di ko pa rin ramdam kumain. I turned off my phone and didn't realize I already fell asleep.


Gulat akong napabangon nang may marinig na busina ng kotse sa labas. Naririnig ko rin ang notification ring ng phone ko pero 'di ko mahanap. 


"Saglit!" sigaw ko habang inaayos ang damit papuntang pinto.


Isang asul na kotse ang nakaparada sa harap ng bahay namin. It was a bugatti. 


'Di ako makapaniwala sa taong lumabas mula sa loob ng magarang kotse. He was wearing a plain white shirt with a chained necklace and a skinny ripped pants. He walked in front of me, smirking.


"Anong ginagawa mo dito?!" galit na bungad ko kay Devin.


"I messaged you last night but you didn't replied so, Tara!" 


"I didn't replied so it means ayoko!"


"And your valid reason is?"


Lalong uminit ang dugo ko sa mayabang na asta niya. 'Di ako makapaniwala sa kapal ng mukha niya! Ano bang kasalanan ko dito? Siya naman ang laging may ginagawang mali sa'ming dalawa ah!


"You wanna know? Really?" tinaasan ko siya ng kilay at tumango lang siya.


"First of all, kinamumuhian ko ang presensiya mo. Pangalawa, napaka-arogante mo! Pagtapos mong sayangin oras ko sa meet-up kuno mo, magkukunwari kang 'di mo 'ko kilala n'ong tinatanong ka ni Patrick?! Yung totoo, s'an mo nakukuha 'yang kapal ng pagmumukha mo?!"


Umuusok na ang ilong ko dahil sa inis at galit. "Are you done?" tanong niya habang naglalakad patungo sa harap ng kotse niya. 


"Asshole!" 


"So, can we have a dinner already?" dagdag na tanong pa niya na parang 'di naapektuhan sa sinabi ko. 


"A-yo-ko," putol-putol kong sagot. "Ayokong umalis sa bahay na 'to para lang kumain kasama ka".


"Fine," pumasok na siya sa kotse niya at nag-drive paalis.


Pumasok na ulit ako sa loob ng bahay at inayos ang sofa. Hinanap ko na rin ang cellphone ko at nakitang nasa ilalim ng coffee table, marahil ay nalaglag kanina pagbangon ko.


I unlocked my phone and smiled because of amusement. Devin sent me three messages.


Aiming HighWhere stories live. Discover now