30 minutes before mag-start ang party ni Patrick. I'm already wearing my new clothes when he called me.
["Nasa'n ka na ba?"] tanong niya pagkasagot ko ng tawag.
"Ito na, on the way na 'ko!"
["Regalo ko ha!"] binaba na niya kaagad ang tawag. 'Di pa talaga ako nakakabili ng regalo niya. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang gusto n'on eh. Kung bibilihan ko siya ng damit, parang ang typical naman. Kung relo, marami na siya n'on. 'Yun lang ang alam kong pwedeng iregalo sa lalake. Bahala na nga lang kung ano ang madaanan ko papunta d'on.
Kinuha ko na ang purse ko at nagsuot na ng gladiator sandals. Nag-book na rin ako ng grab at tinext si mama upang magpaalam. 'Di naman gan'on kastrikto si mama kaya 'di na 'ko nagpapaalam ng personal dahil alam ko namang puro sige at oo lang ang sasabihin n'on.
Nakarating na ako sa bahay nila Patrick. Sa labas pa lang ay rinig na rinig na ang malalakas na hiyawan at tugtog mula sa loob. May mga pailaw rin na gaya sa mga bar. Ang pagkakaalam ko ay 9 pa ang simula ng party, napaaga ata dahil 8:48 pa lang.
Naghalungkat ako sa purse ko, umaasang may makikitang pwedeng ipang-regalo sakaniya. May nakita akong airpods na hindi ko pa gaanong nagagamit. Kinuha ko 'yon at pumasok na sa loob. Sa kabutihang-palad, hindi ako nakita ni Patrick kaya dumiretso ako sa gift area. Kinuha ko ang isang maliit na paper bag d'on at tinanggal ang laman tsaka ko ipinasok ang airpods.
"Reese!" bungad sa'kin ni Patrick.
"Hey! Happy birthday!" inabot ko sakaniya ang regalo na may pilit na ngiti.
Napakunot ang noo niya habang tinitignan ang regalo. "Thanks?"
Nginitian ko na lang siya at inilibot ang tingin sa buong bahay, "Hindi talaga siya pupunta?" tanong ko sakanya na nagpabalik ng tuwa sa mukha niya.
"Bakit mo ba hinahanap? Close kayo?"
Inirapan ko siya at umiling, "Hindi ba pwedeng gusto ko lang makilala yung IBA mong kaibigan?" diniinan ko ang pagkakasabi ko sa iba.
"Selos naman 'to! Hindi daw may inaasikaso daw siya eh,"natatawa niyang sabi.
The party went well, ako lang ata ang walang ganang nakicelebrate. Kilala ko naman karamihan sa mga bisita niya kaya 'di ako na-out of place. Sadyang 'di ko lang ramdam yung saya ngayong gabi. Pakiramdam ko may kulang pero 'di ko alam kung ano pa ba ang gusto kong mangyari.
Nakatingin lang ako ngayon sa front door na tila may inaabangang papasok. Kanina ko pa hawak 'tong baso ng cocktail na hindi ko maubos-ubos dahil lagi akong natutulala.
The party ended at 2 am. Hinintay ko munang umalis ang mga bisita ni Patrick bago ako magpaalam sakanya.
"You didn't enjoyed my party, may problema ba?" tanong niya habang naglalakad kami palabas ng bahay nila.
YOU ARE READING
Aiming High
RomanceBillions of people on the world, No one is not a dreamer. We all have our own kinds of dreams. A short term dream or even a long term dream, we all want to aim it. Some people may depend on time, others depend on wealth. Reese is a girl who has a lo...