CHAPTER 12

6 1 0
                                    


*knocks on the door*


"Saglet!" sigaw ko habang mabilis na tinatali ang buhok. 


Hindi tumigil ang pagkatok sa pinto ko kaya tumakbo na 'ko para buksan na 'yon.


"Hi," nanlaki ang mata ko sa taong nakita ko sa harap ng kwarto ko. "Sup?" dagdag pa niya.


Agad kong sinara ulit ang pinto, "Wait lang!" tumakbo ako papuntang CR at nag-ayos ng mukha dahil kagigising ko lang. Nagsuot rin ako ng bra at inayos ang magulong pagkatali ko sa buhok.


Pinagpag ko muna ang damit ko bago binuksan ang pinto, "Hi, sorry I just woke up".


"It's okay," napatawa siya ng kaunti habang inoobserbahan ang ayos ko.


"Pasok ka," aya ko sakaniya at sumunod naman siya. Naupo siya sa gilid ng kama ko at ako naman ay itinatabi ang mga nakakalat na gamit sa mesa ko. "Sorry ang kalat".


"Pagod ka ba?" tanong niya.


Napakunot ako ng noo at agad na humarap sakaniya. "HIndi naman, bakit?"


Tumayo siya at lumapit sa'kin. Sumandal siya sa mesa ko at hinawi ang buhok sa gilid, "Sama ka sa'kin, may pupuntahan tayo".


"Huh? Bakit ako?"


"Ayaw mo ba? Pa-cancel ko nalang pa-" agad kong pinutol ang sasabihin niya, "G ako!"


He sighed out of relief and smiled. "Ligo lang ako then alis na tayo," tumango siya at agad naman akong pumunta sa CR upang maligo.


After a few minutes of taking a bath, naabutan ko si Devin na tinitignan ang mga litrato ko na nakasabit sa maliit na bulletin board ko sa itaas ng mesa. 


I was just wearing my towel kaya nang napalingon si Devin sa'kin ay agad siyang pumunta sa pinto, "See you downstairs". Nginitian ko siya bago isinara ang pinto.


Rust orange shift dress is what I'm wearing and a pair of white sneakers. I let my hair down and added some pinks on the side. I also got my white sling bag and put my phone and some cash in it.


Bumaba ako at nakita si Devin na nakasandal sa pinto, halatang naiinip na sa paghihintay. 


"Hey, let's go?" 


Napaangat naman ang tingin niya saakin, "Wow," hindi niya inalis ang tingin saakin hanggang sa makalapit ako sakaniya.


"Natutunaw na 'ko," biro ko.


Napatawa kaming dalawa at lumabas na ng bahay. I seated on the shotgun seat and he assisted me on putting my belt on. "Thanks"

Aiming HighWhere stories live. Discover now