Reese's POV
Sobrang manghang-mangha ako sa mga destinasyon na napuntahan namin. Okay na sana, na-enjoy ko naman kaso nga lang ay sa buong biyahe namin, si Devin lang ang bukod tanging nakatabi ko. Sobrang awkward lalo na sobrang tagal rin ng roadtrips namin.
Day 2 na ng aming vacation dito sa Ilocos. Ang pagkakarinig ko sa usapan nila ay pupunta kami sa Calle Crisologo sa Vigan.
"Halika na!" sigaw ng katrabaho ni mama. Pinapasakay na kami sa van kung saan makakatabi ko nanaman ang antipatikong lalaking ubod ng yabang.
"May banana chips ka pa?" tanong sa'kin ni Devin.
"Bakit? Hihingi ka? Ayoko!" masungit kong sagot.
"I'm just asking 'cause my dad want to taste some," pagpapaliwanag niya.
Napatingin ako sa daddy niya na kanina pa nakatingin sa'min mula sa shot gun seat. Napaawang na lamang ang labi ko, "So, you have more?" pang-asar na tanong ni Devin.
Binalik ko ang tingin ko kay Mr. Dominic, "Sorry sir, ubos na po".
Pagkababa namin ay agad akong lumayo kay Devin at sumama kay mama. Nagpunta kami sa isang souvenir shop at namili ng mga pasalubong.
"Anong mas maganda ma?" tanong ko habang hawak ang dalawang sun hat, sa kaliwa ay kulay asul at ang nasa kanang kamay ko naman ay kulay rosas.
"Mas bagay sa'yo 'yang asul, teterno rin 'yan sa swimsuit mo," sagot niya. Naalala ko nga palang blue rin ang one piece ko kaya iyon ang binili ko.
Naglakad-lakad kami paikot sa buong Calle Crisologo, sobrang ganda ng mga bahay dito. Sunod namin na pinuntahan ay ang Lapaz Sand Dunes, nanigas pa yung buhok ko dahil sa paghampas ng mga buhangin habang nakasakay sa jeepney. Mabuti na lang talaga may dala akong panali ng buhok kaya nag-bun na lang ako at isinuot ang shades para 'di ako mapuwing.
Tuluy-tuloy lang ang aming paglilibot mula Ilocos Norte hanggang Ilocos Sur then vice versa. Almost 9 pm na nang makauwi kami, 'di pa rin nagdidinner. Naisipan ng boss ni mama na kumain na lamang sa hotel buffet restaurant kaysa mag-luto.
Nalasap ko naman ng maayos ang mga pagkain dahil malayo si Devin mula sa kinauupuan ko. Malapit lang ang kinainan namin sa beach kaya pagtapos kong kumain ay nagtungo ako roon.
Malamig na humahampas ang hangin sa'kin na pati ang buhok ko ay lumilipad na para bang nasa teleserye ako. Napangiti ako ng makita ang mga bituin, this night was so peaceful. Sana ganito na lang palagi.
Napatingin ako sa kanan nang makaramdam ng presensya. 'Di siya umiimik at nakangiti lang rin sa mga bituin. Suminghap muna siya bago tumingin sa'kin.
"Anong iniisip mo?"
My heart trembled when I heard him. His voice is so deep now that he seems to be thinking also deep thoughts. "Does it matter?" I coldly replied.
YOU ARE READING
Aiming High
RomanceBillions of people on the world, No one is not a dreamer. We all have our own kinds of dreams. A short term dream or even a long term dream, we all want to aim it. Some people may depend on time, others depend on wealth. Reese is a girl who has a lo...