Bumaba na 'ko para mag-agahan. Marahil pumasok na sa trabaho si Mama dahil wala nang tao sa baba.
Shit.
Yung kwintas! Nakalimutan kong sabihin kay Mama na ipaabot sa anak ng boss niya! Jusko naman Reese Liela! Isang bagay na lang yung aalalahanin, nakalimutan pa.
Napag-isipan ko nalang na ihatid ang kwintas sa company kung s'an nagta-trabaho si Mama pagtapos kong magsimba dahil Sunday ngayon.
Pagtapos kong maligo, naghanap ako ng damit na isusuot ko. Napili kong isuot ang blue and white striped shirt tapos black palazzo pants. Tinali ko ng bun ang kulot at mahaba kong buhok para malinis tignan.
I already got my sling bag with my phone and the necklace in it. Nagdala rin ako ng powder and liptint pang retouch ko after the mass.
Nag-book na 'ko ng grab papuntang church then after the mass, nag-grab ulit ako. I know sobrang gastos pero pansamantala lang naman 'to. 'Pag nakaipon na naman ako ay bibili na 'ko ng sariling sasakyan at para 'di na rin mahirapan si Mama sa pagcocommute araw-araw.
Bumaba ako sa gate ng kumpanya nila Mama at pumasok na sa loob. Mababait ang mga empleyado dito dahil bukod sa mga nakangiti sila, binabati rin nila ang mga bisitang pumapasok.
Nagtungo agad ako sa front desk sa lobby at tinanong kung s'an ko pwedeng makita si Mama. "She's on fourteenth floor ma'am," sagot ng babaeng receptionist.
Nag-thank you ako at naglakad na patungo sa elevator. Pasara na yung elevator door nang biglang may nagharang ng paa dito kaya bumukas ulit ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang pumasok.
Si Devin putcha.
'Di ako umiimik at gan'on rin siya. The atmosphere is getting weirder floor by floor. Ngayon ko lang naramdaman na ang bagal ng pag-angat ng elevator, mas naiilang tuloy ako kasi dalawa lang kami ang nakasakay dito.
Nag-terno pa nga kami ng suot ngayon, jusko! Naka blue and white striped shirt rin siya pero mas malalaki lang ang linya nung kaniya.
Umusog ako onti sa gilid para hindi magdikit ang mga braso namin. Kinakabahan ako sa 'di malamang dahilan. Tumunog na yung elevator na sign na nasa 14th floor na kami. Kung minamalas nga naman oh, papunta rin siya sa main office kung nas'an sila Mama.
Para makaiwas, naglakad ako sa ibang direksiyon at hinanap na lamang ang CR. Sobrang weird na talaga kung sabay pa kaming papasok sa office 'di ba?
Mabilis ko namang nahanap ang palikuran at inayos ko ang sarili ko. Napamura ako sa sarili ko nang maalalang sakaniya naman talaga dapat ibibigay ang kwintas. Huminga ako ng malalim at lumabas na ng CR. Napaatras ako bigla nang makita si Mama. Gulat siyang napangiti sa'kin at gan'on rin ako.
"Anak, anong ginagawa mo dito?" paglakad niya papasok sa comfort room.
YOU ARE READING
Aiming High
RomanceBillions of people on the world, No one is not a dreamer. We all have our own kinds of dreams. A short term dream or even a long term dream, we all want to aim it. Some people may depend on time, others depend on wealth. Reese is a girl who has a lo...