Prologue

2.4K 203 218
                                    

Habang hinihintay ang driver
'kineme' daw namin dito sa labas
ng airport, patuloy naman ako sa pang-iinis dito sa Kuya ko daw na hindi ko naman close..

Tss! Hindi naman gwapo! Lakas
ng loob magsuot ng shades, 'di naman mainit! Pa-cool! Joke!

"I said stop stamping your feet. It's not funny." sabi pa nya habang hawak ang telepono.

"Ayoko dito! Ibalik mo ako kina Lola!" angil ko habang patuloy sa pagpadyak ng mga sapatos ko.

Branded 'tong shoes ko! Galing pa sa ukay-ukay don sa probinsya! Mainggit kayo, please?

"It won't work. You're here now in Manila, stop that nonsense please." sabi pa nito pero deadma ko lang.

Ang sarap magpadyak ng mga sapatos sa pampublikong lugar no? Ang daming nakatingin sa'yo!

Feeling ko artista ako eh!。◕‿◕。

"Bakit mo ba kasi ako kinuha do'n? Okay naman buhay ko ah! Epal ka!" sigaw ko sa kanya kaya lalo naming naagaw ang atensyon ng mga tao.

"Let's go, Shantelle. Your making a scene now. Stop, okay?" sabi pa nito sabay hila sa akin papasok ng kotse.

Wala akong nagawa kundi ang magpadala sa kanya. Ang lakas kaya niya, kayo magpumiglas oh! Try nyo!!

"Kung sino ka mang may sapi ka! Please, ibalik mo na'ko sa Mindanao. Ayoko dito! Ayoko mabuntis! Ayoko sa polusyon! Ayoko sa mga fuckboy! Ayoko sa Manila!" sabi ko dito sa katabi ko at tanging ngiti lang ang sagot n'ya.

"Sir Vinz, kapatid nyo ho ba talaga yan? Eh mukhang malayo ho sa kabihasnan 'yan!" sabi nung driver na nakatingin dun sa maliit na salamin na nasa ulohan niya.

(A/N: She's pertaining to rear mirror)

Ah basta! Wala akong ideya sa sasakyan na ito! Ang importante
buhay ako!

"Sadyang lumaki lang ho 'tong si Shan sa probinsya kaya ganito." sabi nitong katabi ko.

"ABA teka! Anong sabi mo? Malayo ako sa kabihasnan Manong? FYI! Aware po ako 'no! Sadyang 'di lang dito.." sabi ko sabay tingin sa labas ng sasakyan.

Nakita ko ang iba't-ibang gusali na bonggang tignan sa sobrang taas.

Ano kaya ang feeling pag nasa pinakamataas kang parte?

May mga restaurant at mall pa kahit saan ka tumingin. Mayroon naman sa probinsya pero masasabi kong mas madami dito.

Tila malulula ako sa dami.

"That's the reason why we decided to get you from Grandma, Shan." biglang sabi nitong katabi ko kaya tumingin ako sa kanya. "You should be aware in everything especially in our life status." dagdag nya pa.

Since five years old ako, dun na'ko lumaki sa probinsya namin. Si Lola Gonzala at Lolo Pitacio ang nagpalaki sa akin kaya, sila ang mga magulang na kinikilala ko.

"Mas gusto ko kina Lola, ibalik n'yo ako dun! Good girl naman ako ah?! Matino ako! Sobra!"
sabi ko pa sa kanya pero iling lang ang naging sagot nya.

"We're living here without you for almost 12 years, Shan. We should stay together from now on.." sabi pa niya pero agad ko na siyang tinalikuran.

Ayoko dito! Ayoko!!!!

Ako nga pala si Cassandra Shantelle, proud to be a promdi girl since I was five! Charot!

Ayaw ko talaga dito sa Manila! Can you help me to escape!?


Waaahh!!!

A/N: First time kong sumulat ng story na Rom-Com ang genre.

Hope you like it kahit papaano.

Thanks and God bless❤️

It All Started with a Prank (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon