46

548 44 12
                                    

A/N: This chapter is dedicated to eleynsparks. Hi po! Thank you for your genuine support and giving honest feedback on me. Keep safe and God bless you💖

SHAN'S POV

Kinabukasan..

Maaga akong nagising dahil sa maaga ang pasok ko.

Sige try niyo gumising ng tanghali tapos maaga pasok niyo. Diba abnoy lang may utak na gano'n?
Jokee!

Agad akong nagtungo sa dining hall namin na nakasanayan ko ng tawagin dahil mahigit tatlong buwan na akong narito sa Manila.

Parang kailan lang ano? Ayaw ko pa rito at ang dami kong sinasabi
na napaka-OA na ngayon ko lang na-realize..

"Good morning, Badi!" bati nila Inday Su at iba ko pang tropa.

"Morning tropa!" bati ko sabay isa-isa silang niyakap.

Namiss ko sila! Pa'no kasi minsan nalang sila kung makumpleto, dahil umuuwi ang iba kong tropa tuwing day off nila..

"Kay bango mo naman! Sana all!" sabi ni Celia na ikinangiti ko.

"Gusto mo ba? Sige, mamaya pagkauwi ko bibigyan ko kayo isa-isa ayos ba?" sabi ko sabay kindat sa kanilang apat.

"Aba Shantelle! May pasok ka pa ah? Dumulog ka na sa hapag at sabayan ang mga Kuya mo!" rinig kong sabi ni Manang na nakatingin sa akin.

"See you mamaya mga tropa!
Ipagluto niyo ako ng monggo na may chicharon ha!" sabi ko bago tuluyang pumasok sa dining hall namin.

"MAGANDANG BUHAY!" sabi
ko nang makita sina Kuya Cal at Kuya Vi na agad tumingin sa akin.

"Good morning, Shan." sabi ni Kuya Vi na agad itinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya.

"Good morning," tipid na sabi
ni Kuya Cal na agad isinubo ang bread na hawak niya.

"Si Mama at Papa? Nasaan?" tanong ko bago maupo sa tabi ni Kuya Vi.

"Business trip in Cambodia," sagot ni Kuya Cal na nag-angat ng tingin sa akin.

Ano na naman kaya ikinagagalit nito?

"How's your staying in Zungji?" seryosong tanong niya habang patuloy sa pagnguya ng pagkain.

"Okay naman po," sabi ko sabay kuha ng kanin, itlog, hotdog, ham meatloaf at kung anu-ano pa na nakahain sa mesa.

"I know," sabi niya pa sabay tingin sa akin. "I'm just asking as well as checking na din if you're still hiding again," dagdag niya na ikinagitla ko.

Bakit hanggang ngayon ay parang galit pa rin siya?

"Sinungaling ako gano'n ba?" diretsong tanong ko sabay tingin sa kanya. "Hindi ko lang naman sinabi sa inyo noon kasi nga ayoko makaabala, ayoko ng nagsusumbong kasi sanay ako sa mga gan'yan na sitwasyon."
dagdag ko pa habang hawak ang tinidor sa aking kanang kamay.

Para na ba akong si Chuckie? Kaso ay kutsilyo iyong kanya at sa akin naman ay tinidor.

"Shan," sita ni Kuya Vi na nasa tabi ko. "Cali is just worried about you. Don't be mad."

Nilingon ko siya at agad na nginusuan. "Sinong hindi magagalit? Para niya na ring sinasabi na sinungaling nga ako eh!" sabi ko na parang bata.

Kay gandang umaga..

"Why are you shouting?" ani ni Kuya Cal na agad nakataas ang kilay sa akin nang siya ay aking lingunin. "We're just talking here and I'm not saying that your lying, okay?"

It All Started with a Prank (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon