14

795 75 23
                                    

Shan's POV

What's up! Sabadooo na! At eto ako ngayon nasa dining, masaya
na kumakain ng almusal dahil
nakausap ko sina Mom at Kuya's
sa video call.

"Ihahatid ka ni Jerr kagaya ng
bilin sayo ng mga kapatid mo," sabi ni Manang Olive sa akin na
inaasikaso ang baon ko at mga
gamit.

At inform ko lang kayo, meron na din pala akong cellphone na touch screen.

"Oho. Malinaw na malinaw, Ma. Hindi ako magrereklamo
dahil hindi talaga ako magrereklamo!" sabi ko na ikinangiti nya.

Hindi sila pumayag kagaya ng
naging usapan namin nung una na ako muna ang bi-biyahe.

"Dalian mo na dyan at kanina pa si Jerr naghihintay." ani ni Manang. Tumango lang ako at
binilisan na ang pag kain.

"Ganda mo, Badi! Bagay na bagay sayo!" sabi ni Inday Susan
na kakapasok lang ng dining.

Nagdilig kasi siya sa garden ng
mga halaman ni Mama.

"Naglagay ako ng lip gloss sa labi ko at konting blush on sa pisngi na bigay ni Tita Shai." sabi ko habang pinupunasan ang
bibig ko ng table napkin.

"Sige na. Mamaya na kayo mag-usap, pumanhik ka na sa labas dahil naroon na si Jerr.
Mag-ingat ka." sabi ni Manang
sabay yakap sa akin.

Nang kumalas sa yakap ay agad
akong naglakad palabas ng dining.
"Ba-bye mga Inday! Kitakits mamaya!" sabi ko habang kumakaway.

"Good morning, Ma'am!" bungad na sabi sa akin ni Mang
Jerr sabay bukas ng backseat.

"Magandang umaga, Mang J! Salamat ho ah!" sabi ko sabay pasok sa loob ng sasakyan.

Hindi siya yung lalaki na nanlait
sa akin noon, na malayo daw ako
sa kabihasnan...

"Ako ho ang maghahatid at magsusundo sa iyo sa eskwela, Ma'am. Kaya masanay na po kayo sa akin." sabi ni Mang J habang pinapaandar ang sasakyan.

"Okay, Mang J. Wag nyo po ako tawagin na Ma'am, hindi ho ako ang amo nyo. Kahit Cass nalang ho!" sabi ko habang nakatingin sa labas.

Napakaganda tignan ng sikat ng araw dahil umaaliwalas ang
paligid.

"Sige, Cass." tipid na sabi ni Mang J kaya, tango lang ang isinagot ko. At nanatiling nakatingin sa labas.

**********

Lumipas ang dalawampung minuto, narating namin ang Zungji High University. Halos
bumilog ang mga mata at bibig ko sa laki ng paaralan na ito.

Kahit pa nakita ko na ito noong
nag-orientation ako..

"Cass hanggang dito nalang ako
sa tapat." sabi ni Mang J na agad kong nilingon.

"Ay sige ho. Salamat po!" sabi ko at dahan dahang binuksan ang sasakyan.

"Dito na rin kita susunduin mamaya hane?" sabi ni Mang J na agad kong ikinatango.

Inayos ko muna ang bag ko bago
maglakad papunta sa gate ng paaralan.

"Hep! Ma'am!" ani ng guard ng balak kong pumasok sa gate.

"Bakit ho?" tanong ko pero nagulat ako nang may humablot
sa braso ko paatras ng gate.

Isang babae na puno ng kolorete ang mukha. Si Magdalena ba ito? Joke lang!

"First day of the class, you should be in the exit gate not here in the entrance." ngiting aniya.

"Ha? Bakit?" tanong ko sa kanya dahil naguguluhan ako.

"Come with me! I'll show you!"
sabi nya na sa boses pa lang ay
mukhang excited na.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya dahil hawak nya ang isa kong braso.

Ano bang nangyayari?

"You shouldn't do that kind of
thing, okay? You should follow the rules and regulations here." sabi nya habang naglalakad pa din kami.

"Hindi ko maintindihan. Ano ba yang sinasabi mo?" sabi ko na agad niyang ikinatigil sa paglalakad at lumingon sa akin.

Anong rules and regulations ba? Wala namang ibang nabanggit ang Dean nung inorrient ako.

"Don't tell me, you're a transferee?" sabi nya na ikinakunot ng noo ko.

Anong mali kung transferee ako?

"Transferee ako, galing ako sa probinsya namin." sabi ko sa kanya.

Kita ko ang sunud-sunod na pag-iling nya.

"Let's go! Just follow my instructions okay? Wag kang lalayo sa akin." sabi nya at agad na hinawakan ang isa kong kamay at nagpatuloy sa paglalakad.

Maya-maya lang, narating namin ang exit gate na sinasabi nya. Gulat ako ng makita ang halos lahat ng students na tulad ko na nahahati sa dalawang side.

Ano ba itong pinasok ko?

"Just act like you know what's happening here, okay?" bulong ng babaeng no name na kasama ko. Mahigpit kong hinawakan ang kamay nya.

Gusto kong mag-Bisaya ng wala sa oras! Kinakabahan ako!

"Explain mo naman muna sa akin to." bulong ko sa kanya.

Simpleng lumayo muna kami sa exit gate at pumunta sa gilid ng puno.

"As you can see, nahahati sa dalawang side ang mga students right?" sabi nya at agad akong tumango. "Every year na start of the class, may
ginagawa ang Power of Eight
na activities for us. And the activity this school year, is the Challenge and Prank Game.
Get it?" paliwanag nya at tango lang ulit ang sagot ko.

"At dapat nating gawin yun?" tanong ko at tumango naman sya.

Giatay man ni! Nganong naa man gani activity? Wala gyud ko nainform!

"You should act like a normal student okay? Wag mong ipahalata na transferee ka."
sabi nya sabay hawak sa balikat ko.

"Bakit?" kunot noo kong tanong.

"They will punish you until you decided to leave this university." sabi nya na diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Sino ba sila? Bakit may ganito? Hindi ito nabanggit nung in-orrient ako ng dean." sabi ko sa kanya at buntong hininga ang naging daing nya bago magsalita.

"Dean can't control the Power of Eight. Matataas ang estado ng pamumuhay nila and all the students here are on their side." sabi nya sabay ayos ng buhok nya at uniform.

"Sige. Naintindihan ko na kahit papaano." sabi ko habang inaayos ang buhok kong medyo kinulot ni Inday Ammy kagabi.

Nakita ko ang pag-ngiti ng babae na ito sa akin.

"I forgot to introduce myself, I'm Sheilane Roseli Min Mendoza." sabi nya sabay lahad ng kamay sa akin. Agad ko naman iyong tinanggap.

"Cassandra Shantelle De Cellis." sabi ko at agad ngumiti sa kanya.

"Hey! The two of you, what are you doing here?"

Napatingin kami ni Sheilane sa gilid ng gate, at nakita ang lalaki na salubong ang kilay na nakatingin sa amin.


To be continued....

It All Started with a Prank (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon