83

448 38 7
                                    

A/N: Enjoy reading!

HANS POV

YOW! Wazzup guys! We're here
at mall dahil weekend ngayon!

At kumpleto kaming walo kasama ang tatlong binibini na iniibig ng tatlo naming tropa.

"Kung si Kev pa-cool, si James hambog, si Paul ay pa-fall, si Benjie ay playboy, si Carlos na papogi, si Arjhay na pa-good boy at si Hans na pabibo. At
ako na si Kurt Lopez Duke, ang magiging lover boy diyan sa puso mo." sabi ni Kurt kay Kaila habang papunta kami sa sinehan
para manood.

Halos mapangiti ang lahat sa banat ng loko, dinamay pa kami sa pahirit niya eh!

"HOY! Di ako pabibo noh!" ani ko habang akbay si Dude Jhay tutal parehas naman kaming single.

"Huwag ka na ngang panira sa banat ko, dude! Sumakay ka nalang tutal wala ka namang jowa!" hirit ni Kurt na agad kong binato ng green peas na kinakain ko.

Masyado naman siyang honest!

"SANA LAHAT MAY LOVE LIFE!" sigaw ko dahil nasa unahan namin sina Benjie at Sheilane na sobrang sweet kung titignan.

"Try mo kasing nag-seryoso, dude." sabi ni Carlos sa akin.

"I tried but my effort was not good enough," sabi ko dahilan para mabaling ang atensyon ng lahat sa akin. "Mahal ko siya kaso may iba na, kaya single muna." dagdag ko bago yumuko.

Kay sakit noh? Ramdam niyo ba ako guys?

"Parang di naman yata namin alam iyan," sabi ni Paul habang tinitignan kung seryoso nga bang talaga ako.

"Lahat kasi kayo, walang paki sa akin kaya gano'n." sabi ko nang biglang lumapit si Kev sa gawi ko.

"What did you say?" tanong niya kaya napatago ako sa likod ni Arjhay.

"Dude! Joke lang naman eh, eto naman! Eme lang iyon huwag kang galit." sabi ko sabay peace sign sa loko. "Alam kong mahal mo ako dude pero hindi kita aagawin kay Cass. I love you too, dude!"

Rinig ko ang malakas na tawa ni Cass dahilan para mapatingin sa amin ang ibang mga tao.

Medyo nakakahiya iyon ah!

"Akalain mo nga namang may lambingan din kayo, ano?" sabi ni Cass habang hawak pa rin ang tiyan dahil sige siya tawa.

"That's enough," awat ni James dahil napapaligiran na naman kami ng mga chickababe.

Narito kaya ang para sa akin?

"Sige, una na kayong lahat. Ako na bahala rito, baka nandito si
future girlfriend." sabi ko pero lumapit sa akin si Cass at agad na piningot ang tenga ko.

"Ang love hindi hinahanap dahil kusang darating iyan,
ang dapat mo lang gawin ay maghintay. Gets mo?" sabi niya habang hawak pa rin ang tenga ko.

Rinig ko ang tawanan ng mga loko dahil siguro sa naging expression ng mukha ko. Medyo masakit ang pingot ni Cass ah!

"Oo na! Aray! Awat na," sabi ko sabay hawak sa tenga kong agad namang binitawan ni Cass na nakangiti pa sa akin.

"Mapanakit ka ah! Mana ka na kay Kevin!" dagdag ko sabay lakad papunta sa gawi ni Dude Jhay na abala sa pagmasid sa paligid.

Wala pang isang oras na narito kami sa mall ay biglang tumawag
si Coach kay Paul upang sabihin na may biglaang practice kung kaya't ang tatlong babae na lang ang maiiwan dito.

It All Started with a Prank (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon