A/N: Enjoy reading!
SHAN'S POV
Kinabukasan..
ITO NA! KAARAWAN NA NG ATE NIYO! ISA NA AKONG GANAP NA DALAGA!⁽⁽ଘ( ˊᵕˋ )ଓ⁾⁾
Agad akong bumangon para salubungin sila Mama at Papa
na nasisiguro kong ngayon ang uuwi mula sa business trip, sa kung saan mang lupalop ng mundo.Basta ang alam ko, malayo eh.
"Maayong buntag sa tanan!"
masayang bati ko kina Manang at mga Inday."HAPPY BIRTHDAY BADI!" sabay sabay nilang bati sa akin kaya ako'y napangiti.
"Daghang salamat man uy!" sabi ko bago sila isa-isang niyakap.
Masyado ko na yatang nagugol ang oras ko sa aral at kaibigan, kaya di ko sila nakakasama na.
"Sabay tayong maghapunan lahat mamayang gabi ah?" sabi ko matapos silang yakapin pero bakas sa mga mukha nila ang lungkot.
"Badi, uuwi kasi kaming lahat ngayon sa mga pamilya namin eh," sabi ni Inday Ammy na nakahawak pa sa batok niya.
"Tiyempo pa talaga sa b-day mo ang sabay-sabay na pa-day off nila Sir sa amin, Badi." sabi ni Inday Su na nakatingin kay Manang na diretso namang nakatingin sa akin.
Nakakalungkot man pero ayoko namang maging makasarili.
"Ayos lang mga Inday, may next time pa naman eh. Hmm, sila Mama po ba nakarating na?" tanong ko habang nakatingin kay Manang na malungkot pa rin ang awra.
Anong ibig sabihin ng tingin na iyon?
"Manang," tawag ni Inday Su kay Manang na mukhang ayaw magsalita. "Sabihin niyo na po,"
Mas lalo tuloy akong kinabahan sa mga inaasta nila, ayoko man mag-assume na walang lang iyon pero iba na ang kutob ko.
"Shantelle," tawag ni Manang dahilan para lingunin ko siya.
"Manang?" sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko na nasa ilalim ng mesa.
Hindi ako mapakali at gustong gusto ko na malaman ang sasabihin niya sa akin.
"Hindi nakauwi ang mga magulang mo galing sa business trip," sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin.
Ang ibig bang sabihin nito...
"Ang mga Kuya mo ay mukhang gagabihin pa at tungkol naman kina Goning at Pitacio ay hindi sila makakarating." dagdag ni Manang dahilan para higpitan ko ang hawak ko sa aking kamay.
Bakit kung kailan kaarawan ko pa ay tsaka sila mga busy? Napagusapan naman na namin nila Kuya ito ah!
"Badi!" tawag ni Inday Su sa akin.
Napalingon ako sa gawi niya at kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Okay lang ako mga Inday!" sabi ko habang pinupunasan ang luha na hindi ko namalayang tumulo na pala. "Samahan niyo na lang ako mag-agahan."
Sa hapag ay masaya naming pinagsaluhan ang hinandang umagahan nila Inday Ammy.
Hindi ko itatanggi na malungkot ako dahil ito ang kauna-unahang
kaarawan ko na wala sila Lola, na wala akong kasama dahil wala silang lahat.
BINABASA MO ANG
It All Started with a Prank (SEASON 1)
Teen FictionCOMPLETED! SEASON 1 ROM-COM❤️ Highest Rank Achieved: #1 in LABEL #1 in AMAZEMENT #1 in FREE FOR ALL #1 in PROVING Isang simpleng babae na may marangyang katayuan sa buhay ngunit piniling palakihin ng kanyang mga magulang sa probinsya. Sa pagbalik sa...