55

527 39 28
                                    

SHAN'S POV

Ang tagal naman ni Kevin! Mukhang tuluyan na akong iniwan ng bad boy na iyon ah!

Patay ako nito! Ramdam ko na ang kaunting bulwak eh!

Kung naa man gyud diri nga pasador sa akong bag, akoa ning gamitun!

Nagulat ako dahil sa malakas na katok mula sa pinto ng Cr ang narinig ko.

Paano kasi nilock ko! Dami pa namang mga babae kanina ang
nagrereklamo sa ginawa ko. Ang guard ay paulit-ulit na balak binubuksan ang pinto gamit ang
susi pero sige ako pindot ng lock.

Kay bait kong bata diba?

Napatingin ako sa door knob na paulit ulit pinipihit ng kung sino sa labas.

Nasaan ka na ba kasi?

"Cassandra? Are you here? Open this fricking door!"

Kumpirmado! Kahit kailan napakaikli ng pasensya ng bad boy na ito!

Agad akong lumapit sa pintuan
at ito ay binuksan. Tumambad
sa akin ang nag-aalala niyang mukha habang hawak ang mga
paper bags.

"Here," sabi niya sabay abot ng mga ito sa akin. "All the things you needed." dagdag niya pa habang pinupunasan ang pawis
sa kanyang noo.

Akalain niyo iyon mga tropa! Pinagpapawisan ang bad boy?
Akala ko puro hangin lang nasa katawan nito eh!

"Stop staring," sabi niya na ikinagulat ko. "Just move, and I'll wait you here."

Tinanguan ko nalang siya at agad na isinara ang pinto. Nagulat ako ng makita ang isang damit na hindi ko alam ang tawag pero nasisiguro kong sikat na suotin
ito ng mga babae!

Babae rin ako mga tsong! Pero hindi ako sanay eh!

Mas nagulat pa ako nang makita ang isang paldang sing-ikli ng pasensya ng lokong iyon.

Ginawa ba namang akong suki
ng mga hotdog!

"Pastilan!" usal ko pa nang makita naman ang panty na pinili niya at brand ng napkin
na whisper, isang pack.

Hindi ko mapigilan ang ngumiti sa mga binili niyang iyon. Halata talagang may alam siya sa mga ganito ah!

Dinaig pa ako!

Mabilis akong nagpalit ng damit at isinuot ang hihigop ng aking dugo na ubod ng linis. Char!

Alam ko na ang purpose kung bakit siya bumili ng damit. Para hindi ako magmukhang jejemon
kung magpalda ako, habang ang pang-itaas ko ay uniform.

"May utak naman pala!" sabi
ko bago tuluyang isuot ang mga
binili niya.

Nang matapos, agad kong nilagay
ang mga gamit ko sa aking bag at
tuluyan ng lumabas ng cubicle.
Biglang may pumasok na dalawang babae na mukhang kilig na kilig pa ang mga awra.

"Ang cute niya no? Akin na lang siya!" sabi nito bago tumingin sa malaking salamin
na narito.

"Super, ah eh, Miss!" tawag ng isang babae sa akin na agad ko namang nilingon. "Ikaw ba ang hinihintay ni Pogi rito?"

Si Kevin ba ang tinutukoy niya?

"Of course, common sense girl!
Siya lang ang narito oh!" sabi nung isa na tinignan ko.

It All Started with a Prank (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon