67

498 41 14
                                    

A/N: Sa mga avid readers na nag-aabang lagi ng update ko, daghang salamat sa inyong tanan.

SHAN'S POV

Kinabukasan...

Sa hallway pa lang ng paaralan naming nagngangalang Zungji, patuloy na umuugong ang pangalan ko sa mga bibig ng kapwa ko estudyante.

Ano na naman kayang chismis ang nasagap nila? Dapat na ba akong masanay dahil wala rin itong pinagkaiba noong nasa probinsya pa ako.

"I THINK SHE IS THE QUEEN OF POWER NA! AS YOU CAN SEE NAMAN, POWER IF EIGHT
ARE REALLY CLOSE TO HER NA."

"SINCE DUMATING SIYA, EVERYTHING WAS CHANGED. PANSIN NYO BA?"

"ANGKAN BA NAMAN NG MGA DE CELLIS EH!"

Mga bulungan nilang naririnig ko naman, bakit hindi na lang sila gumamit ng megaphone?

"Ay anak ng kabayo!" hinaing ko dahil sa biglaang pagsulpot
ng mga kapwa ko babae na mukhang nagmamadali papunta
sa exit gate?

Anong meron?

"POWER OF EIGHT IS ON THE EXIT GATE! WAHHH! THEY ARE CUTE IN WEARING BUGS BUNNY MASCOT!"

"THEY REALLY CHANGED NA TALAGA!"

"KYAAAHHH! MY BABY EARL BENJIE!"

Wala akong naintindihan kundi ang malakas lang nilang tilian na nagpapahiwatig na sila ay mga kinikilig.

Magpapatuloy na sana ako ulit
sa paglalakad papuntang room nang biglang may humigit sa aking braso.

Jusmiyo! Muntik na naman mawala ang pinakaiingatan kong
labi.

"Saan ka pupunta?" sabi niya habang itinataas baba ang kilay.

"Malamang sa room," sabi
ko habang nakatingin sa mga students na patuloy pa rin sa pagtakbo papuntang exit gate.
"Anong meron sa exit gate?"
tanong ko sabay tingin ng diretso sa kanyang mga mata.

Bakit ba kasi ako pinaliligiran ng mga gwapong nilalang, malapit na akong mahulog sa kanal.

"Bakit hindi mo puntahan para iyong malaman?" sabi niya dahilan para hampasin ko ang balikat niya. Tawa lang ang naging sagot niya sabay hawi ng buhok. "Pinapasundo ka sa akin ni Boss, kaya tara na!" dagdag niya sabay hila sa kamay ko.

Lokong Hans ito! Pinapasundo ako? Si Boss? Si Kevin? Wahh!

"Ano bang meron? Bakit tayo pupunta doon?" sunud-sunod kong tanong na agad niyang ikinalingon.

"Basta, kaming bahala sa'yo Cass! Makikita mo naman eh,"
sagot niya habang abala sa pagusisa sa paligid.

"Baka prank na naman 'to ah!
Ayoko na magkaroon ng mga galos dahil kukunin ako ng Tita Shai ko bilang model ng design kineme niya sa mga damit. At kung ako sa inyo, huwag na
ako ah? Tropa niyo mga kuya ko, tropa-tropa dapat ano? Wala ng bully dahil masisira ang aking beauty!" mahabang usal ko na ikinangiti ni Hans.

Mali ba ang mga sinabi ko? Tama naman diba?

"Sa dami ng sinabi mo isa lang ang masasabi ko," sabi niya sabay bitaw sa kamay kong hawak niya. "Sana maging tilapia ka!" dagdag niya sabay tawa.

Imbis na mainis ay napatawa na rin ako sa sinabi niyang iyon.
Ako ay isang tilapia? Uri ng isda iyon tama?

"TILA PIA Wutzbackback sa taglay na kagandahan." sabi niya pa ulit sabay tawa.

It All Started with a Prank (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon