86

385 40 25
                                    

A/N: Di ako tumupad sa sarili kong usapan😂

Enjoy reading!❤️

SHAN'S POV


Lumipas ang limang araw simula nang mangyari ang kahindik hindik na halikan ni Kulokoy at ng ex niyang bruha.

At limang araw na rin akong absent dahil nga sa ayoko siyang makita!

"Manang, sila Lola ho?" tanong ko dahil kakababa ko lang galing sa kwarto.

"Isinama ng Mommy at Daddy mo sa business trip at nang makasagap man lang daw ng biyaheng ibang bansa." sagot
ni Manang habang naghahain
ng aming umagahan.

Binati ko isa-isa ang mga Inday lalo pa't sila ang kausap ko sa mga lumipas na araw. Habang sina Kaila at Shei ay pumunta rito sa bahay kahapon, kasama ang pitong Kulokoy.

Walang Baby Kulokoy dahil enemies kami ngayon or forever!

"Papasok ka na ba?" tanong ni Manang na diretsong nakatingin sa akin. "Hindi ka na bata para takasan at ganyanin na lang ang problema, Shantelle. Dapat ay harapin mo iyan at hindi na pinatagal pa," dagdag niya na agad kong ikinanguso.

Kung alam mo lang Manang, na sobra pa sa sobra ang pagka-miss ko Baby Kulokoy na iyon.

"Eh kasi naman po, sino bang matutuwa sa nakitang iyon? Nasaktan ho ako at karamihan sa inyo ay sinasabing mahal ko na ang bad boy na iyon, pero siya? Hindi ko malaman ang nararamdaman niya dahil hindi man siya nagparamdam
sa akin, kahit konting suyo na sinasabi niyo na gagawin niya."
mahabang paliwanag ko habang ngumunguya ng tinapay na itlog ang palaman.

"Ikaw ba ay kinamusta mo siya? Anong malay natin na nasaktan din siya sa trato mong iyan? Nabanggit naman  sa'yo ni Carlos na ngayon na lang nanligaw ulit ang batang iyon, tama ba?" sabi ni Manang na agad sinang-ayunan ng mga Inday.

"Ang daming binibigay niyang regalo sa'yo Badi! Pero sige ka tanggi." sabi ni Inday Ammy.

"Noong isang araw naman ay narito siya pero hindi ka man lang bumaba para harapin siya. Kitang-kita ng mga mata namin ang lungkot sa mukha niya at mukhang pagod pa." sabi naman ni Inday Su.

"Kahapon," sabi naman ni Inday Nene na nakabusangot ang awra.
"Nagtapon ako ng basura sa labas ng bigla siyang nag-abot  ng bugkos ng bulaklak at ayaw na niyang pumasok dahil may mga pasa siya sa mukha," sabi niya na ikinagulat ko.

May pasa siya? Pero bakit?

"Maliligo na ho ako!" sabi ko sabay tayo. "Pakisabi ho kay Mang J na pakihanda agad ang sasakyan dahil papasok na ako." dagdag ko bago pumanhik sa hagdan.

Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya kahapon at bakit may pasa siya.

"Kung bakit ba kasi nagalit pa ako eh!" sabi ko sa aking sarili habang nagmamadaling maligo.
"Ayan tuloy! Wala akong Baby Kulokoy ngayon," dagdag ko sabay tingin sa face towel na ibinigay niya, na parati kong ginagamit.

Siguro nga, tama sila na mahal ko na siya.

Wala pang sampung minuto ay tapos na akong maligo. Mabilis akong kumilos para kahit naman papaano ay makapasok ako ng second subject.

It All Started with a Prank (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon