88

394 33 11
                                    

A/N: Enjoy reading!

KAILA'S POV

Mahigit isang oras na kami sa pagka-karaoke pero tila walang kapaguran si Cass sa pagkanta
ng mga heartbreaking songs.

Ganito pala ang nagagawa ng first time ma-heartbreak.

"Want some cupcakes beh?" sabi ni Shei na nasa tabi ko habang hawak ang isang plato
na naglalaman ng cupcakes.

"Akala ko ba ayaw na ayaw mo sa sweets? Puro ka chocolates at cupcakes or anything na matamis nitong mga nagdaang  araw ah!" sabi ko habang nakatingin kay Cass na patuloy pa rin sa pagkanta.

"Well, Benjie told me that he accepts me even I'm more
than a fat! Let's see if he's really holding through that word. Hmm, wait," sabi niya
na ikinailing ko dahil nag-vibrate ang phone niya at nasisiguro kong si Benjie na naman ang kausap niya.

Masyado na siyang halatang in love at wala na yatang pake kahit dumating pa ang ex niyang si Tyler.

"Beh!" sabi ni Shei na agad hinawakan ang mga balikat ko.
"Benjie texted me and they are going here, on the way na raw sila with K---"

"Ano?" reklamo ko sabay tingin kay Cass na patuloy pa rin sa pagkanta at pawang walang pakialam sa pagtiling iyon ni Shei. "Sira ba ulo nila? Alam naman nilang nasasaktan na itong isa tapos isasama pa nila
ang loko na iyon! Do'n na siya
sa ex niyang mukhang clown!"

Nakakainis! Pagkatapos niyang sabihin sa aming lahat na sila
na ng Aaliyah desperada ay may lakas ng loob pa siyang lumapit kay Cass.

"I told him naman eh, but he didn't reply na. What should we do?" sabi ni Shei sabay tingin din Kay Cass na pumipikit pa at ninanamnam ang bawat lyrics ng kanta.

"Yayain mo na siyang umakyat sa kwarto, ah basta! Gumawa ka ng paraan para mapapayag siya. Kilos na! Ako bahalang humarap sa kanila," sabi ko
kay Shei na agad namang tumayo para lapitan si Cass.

Inilabas ko ang phone at dinial si Kurt na agad namang sinagot ang tawag ko.

"Kurt, don't you dare bring him here! Wala na siyang rights para lumapit kay Cass, sinasabi
ko sa'yo madadagu--"

["We're already here in front of their house, babe."]

Napabuntong hininga ako nang marinig iyon mula sa kanya. I have no choice to push him away lalo pa't nariyan na pala sila sa may entrance nila Cass.

I ended the call at agad ibinaling ang tingin kay Cass na hawak pa rin ang mikropono.

"Last na ito, tatapusin ko lang,"
sabi ni Cass sabay tingin sa akin.

Napatingin naman ako kay Shei at agad tumango, pahiwatig na hayaan na lamang si Cass sa gusto niya.

Wala rin namang mangyayari kundi magkikita at magkikita silang talaga, kung ayun ang nakatadhana.

"Pakinggan mo'ng aking awitin
Inaalay lamang sa 'yo
Sinaktan mong aking damdamin
Ngunit 'di mo na sana sinaktan ang puso ko.."

Napabuntong hininga ako dahil talagang kina-career na niya ang pagiging broken hearted.

Iba palang masaktan ang isang probinsyanang tulad niya.

It All Started with a Prank (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon