94

413 34 18
                                    

A/N: This chapter is dedicated to @jee_weell. Thank you sa support.

And I would like to say my warmest thank you to all the abangers and silent readers that reading IASWAP. I am grateful to all of you.

To inform you guys, sixteen chapters na lang

ang IASWAP❤️

ENJOY READING!❤️

HANS POV

We're here now at the airport in Palawan. Abala ako sa pagpilit kay Andy na mag-take kami ng picture together pero sige siya tanggi.

Kaya lalo akong nangungulit dahil alam kong pikunin ito.

"Yung totoo, Andy! Gusto mo ba talaga ako? Ikaw na nga 'tong maswerte dahil ikaw ang pinili kong ligawan at kulitin ng ganito tapos ayaw mo pa?" sabi ko habang naghihintay kami sa exit dahil may susundo raw sa amin na service, na planado ng dalawang Kuya ni Cass.

"Napakaingay mo talaga, Hans! To remind you, kanina pa tayo take ng take ng pictures mula pa sa biyahe, hindi ka pa ba kuntento?" sabi niya habang hawak ang isang book na hindi ko sigurado kung para saan.

Napanguso ako at napatingin sa mga loko na pinagtatawanan ako kaya binigyan ko sila ng bad finger.

"Kanina ka pa hirit ng hirit ng couple goals! Eh hindi pa nga kayo!" sigaw ni Paul na nasa tabi ko lang din.

Epal eh no? Palibhasa binasted ni Cass kaya forever single.

"Atleast ako hindi binabasted kasi gusto ako! Ikaw, binasted ni Cass kasi pa--sabi ko nga, I will keep quiet." sabi ko dahil agad na lumingon si Kev sa akin na masama ang tingin at wala talaga sa mood.

"HOY Benjie! Sigurado kang susunduin tayo ng tauhan ng Tito mo? Baka naman ma-scam lang tayo," sabi naman ni Carlos na abala sa pagtitipa sa kanyang phone.

"Just learn to wait, on the way na nga raw." sagot ni Benjie habang akbay si Miss Minchin ng buhay niya.

Dahil abala naman sa pagbabasa si Andy ay lumapit ako kay Kev na bakas sa mukha ang iritasyon
habang nakatingin sa langit.

Ala-singko pa lang kasi ng hapon.

"Ayos ka lang, dude?" sabi ko sabay akbay sa kanya. "Alam kong hirap kang magpatawad pero nagawa mo naman na sa kanila dahil mahal mo talaga
si Cass." seryosong usal ko dahil kahapon lang ay kinausap na niya sila Troy at pinatawad sa kasalanang ginawa nito sa Ate niya.

"I already planned to forgive them but inunahan ako ng dalawang tukmol na iyon at inilayo pa sa akin ang kapatid nila," sabi ni Kev na lihim kong ikinangiti dahil ngayon na lang ulit nag-Tagalog ang loko.

"Intindihin mo na lang and I'm sure, babalik iyon si Cass para sa'yo," sabi ko sabay tapik sa braso niya dahil sumigaw si Kurt na narito na ang service namin papunta ng Sabang beach resort.

Nang makalapit sa dalawang van na nasa harap namin ay agad na nagpakilala ang driver na si Mang Idoy.

"Sabi ni Boss Nate ay marapat na hatiin namin kayo dahil medyo malubak ang daraanan nating kalsada kaya kailangan nating mag-ingat upang hindi tayo ma-flat." sabi nito na lihim kong ikinangiti.

It All Started with a Prank (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon